top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Obesity iniugnay sa mataas na tsansa ng mapanganib na impeksyon

2/8/26, 11:27 PM

Tinatayang aabot sa 70% ang tsansang humarap sa seryosong impeksyon sa katawan ang mga taong labis ang katabaan.

Sa pag-aaral isa sa bawat sampung kamatayang sanhi ng impeksyon ay may kaugnayan sa sobrang katabaan ng isang tao.

Ayon sa The Lancet na pangunahing international general medical journal ang pag-aaral ay nilahukan ng 540,000 katao.  

Sa tantiya ng mga nagsagawa ng pananaliksik 70 porsiyento sa mga matatabang tao ay may tsansang ma-ospital o mamatay dahil sa infectious disease.  

Ang mga taong labis na ang obesity ay may tatlong beses na haharap sa panganib na ito.

Ilan sa mga sakit na maaaring dumapo sa matatabang tao ay trangkaso, COVID-19, pulmonya, gastroenteritis, urinary tract at respiratory tract infection.

“Our findings suggests that people living with obesity are significantly more likely to become severely ill or to die from a wide range of infectious diseases.  As obesity rates are expected to rise globally so with the number of deaths and hospitalization from infectious diseases linked to obesity,” paliwanag Ni Dr. Solja Nyberg na patnugot ng pag-aaral.

Iminungkahi ng medical expert mula sa University of Helsinki na upang maiwasan ang panganib ng mga  health issues na konektado sa obesity, nangangailan ng mga polisiya na tutulong sa weight loss tulad ng higit na murang healthy food at mga oporltunidad para sa exercises.

Photo from mdchoicehospicecare.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page