

SCIENCE AND MEDICINE
Mga senior citizens: Alamin kung bakit pinatitigil ng DOH ang pagnguya ng nganga

2/3/24, 10:15 AM
Nagbabala ang Department of Health sa mga mahihilig ngumuya ng betel nut o nganga na tigilan ang ganitong bisyo sapagkat ito ay nagkapagdudulot ng kinatatakutang kanser.
Ang paalala by ipinahayag ng DOH kasabay ng pagpasok ng National Oral Health Month ngayon Pebrero, 2024.
Sa temang “Let’s DOH 8! Vision 70-20 OplanIwas Bungal”, inilista ng kagawaran ang walong mahahalagang paalala sa mga Pilipino habang ipinagdiriwang ng buwan ng kalusugang pambibig.
Isa dito ang “better pag no betel” kung saan nagpapaalala ang DOH ng peligro sa patuloy ng pagnguya ng nganga.
Kadalasan sa mga Pilipinong gumagawa nito ay mga senior citizens, higit sa lahat iyong mga laki sa probinsya.
Ayon sa DOH ang pagnguya ng nganga ay “maaaring magdulot ng oral cancer” o kanser sa bibig.
Narito pa ang ilang paalala ng DOH upang mapangalagaan ang kalusugang oral o bibig:
1. Pahalagahan ang oral health
2. Alamin ang iba’t ibang serbisyong available para sayo
3. Pag sugar away, walang tooth decay
4. Ugaliin ang tamang pagsisipilyo
5. Gawing regular ang pagkonsulta sa dentista
6. Stay hydrated! Uminom ng sapat na dami ng tubig
7. Umiwas sa bisyo, iwasan ang alak, sigarilyo at vape