top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

Groundbreaking angioplasty procedure isinagawa sa OsMa

3/30/26, 4:45 AM

Ni Tracy Cabrera

MALATE, Maynila — Ipinagmalaki ni Manila mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso ang medical milestone na nakamit ng Ospital ng Maynila (OsMa) sa matagumpay na dalawang angioplasty procedures na isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon sa alkalde, ang nabanggit na medical breakthrough ay tanda ng pagpupursigi ng kanyang administrasyon sa advanced cardiac care hindi lamang sa mga raga-Maynila kundi sa lahat ng nangangailangan nito.

Hinayag ng pamunuan ng OsMa na ito'y mahalagang hakbang ng catherization laboratory ng ospital sa pag-unlad mula sa pagsasagawa ng angiogram tungo sa mas mga komplikadong interventional procedure.
“We are thrilled to announce that our team has done it,” tinukoy ni city health officer Dr. Grace Padilla.
“It’s a game-changer for our patients,” pinunto ni Dr. Padilla explained.

Ayon naman kay Mayor Domagoso, ang angioplasty procedure ay ipinagkaloob ng libre o sa minimal cost para tanghalin itong dinag ng pag-asa para sa mga pasyenteng walang kakayahan sumailalim sa ganitong pangangalaga.

“We’re committed to providing top-notch healthcare to our residents. This is just the beginning,” idiniin ng Ama ng Maynila bilang pagtitiyak sa tunay na serbisyo para sa publiko.

Sa huli, sinabi ni Dr. Padilla na ang matagumpay na kauna-unahang angioplasty produre ay testamento ng husay at dedikasyon ng medical staff ng bagong renovated na Ospital ng Maynila.

“We’re proud of our team,” aniya. Dr. “They’ve worked tirelessly to make this happen. With this milestone, (we are) poised to become a leader in cardiac care in the Philippines.”

Photo from hellodoctor.com.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page