top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

SCIENCE AND MEDICINE

8 parte ng katawan na walang silbi: Alamin kung ano-ano

3/2/26, 12:30 PM

Ni Annietha Fae Mar

Hind lahat ng mga parte ng katawan ng isang tao ay may gamit, ayon sa mga eksperto sa anatomy. Ngunit ang mga ito ay pinaniniwalaang may mga silbi noong sang-ayon sa ebolusyon ng tao.

Ang mga ito ay tinatawag na “vestigial organs” - dating mahalaga at may layunin sa katawan. Sa tagal umano ng panahon simula noong ang tao ay isang ape pa lamang, nawalan na ng silbi ang mga ito. Naniniwala ka ba dito?

Alamin muna kung ano-ano ang mga ito.

TAILBONE O BUKONG-BUKONG. Kapain mo ang huling ibabang bahagi ng iyong vertebra at dito mo madidiskubre ang iyong bukong-bukong. Marami ang naniniwala na dito dati nakakabit ang buntot ng tao. Labi umano ng buntot na hindi na tumutubo ngayon sa modernong tao. Kung meron man silbi ito sa atin, ito marahil ay ang pagpapa-alala na tayo ay dating matsing. Tinatawag din itong coccyx.

2. TONSIL - Noong matagal na panahon na ang nakalipas, pinuputol ng mga ninuno ng tao ang tonsil sa mga seremonya ng pagbabago ng yugto ng kanilang buhay. Ngunit sa pagtagal ng panahon, hindi na nangyayari ang tonsillectomy. Nangyayari rin ang pagtanggal ng tonsil kung ito ay madalas ma-impeksyon o sagabal na sa paghinga.

Hindi naman naniniwala ang mga doktor na wala itong silbi sa loob ng bunganga. Mahalaga umano ang tonsil upang labanan ang impeksyon na nanggagaling sa mga kinakain natin o sa germs na nagpaparami sa bibig.

3. ARMPIT HAIR O BUHOK SA KILI-KILI - Hindi kinakailangan ng katawan ang buhok sa kili-kili. Bukod sa pinamumugaran ito ng germs na nagiging sanhi ng “putok” o body odor, may mga nasasagwaan kung ito ay hinahayaang tumubo ng mahaba sa isang babae. Ngunit maaaring maling sabihin ito sapagkat sa mga bansa na tulad ng France at Italy, seksi at girl-na-girl ang dating ng babae kapag may mahabang buhok sa armpit. Kabaligtaran naman sa lalaki. Ang pagkakaroon umano ng buhok sa kili-kili ay tanda ng pagiging macho.

4. WISDOM TEETH - Kilala bilang ikatlong molar, ang wisdom teeth ay sumasakit kapag tumutubo na. Ayon sa pananaliksik, halos 90 porsiyento ng mga tao ang nagpapabunot ng wisdom teeth. Madalas kapag nagrereklamo ang isang kabataan sa kirot na nararamdaman sa ngipin, sinasabing pagtubo ng wisdom teeth ang dahilan. Ibig sabihin daw ay nagkakaroon na ng tamang pagiisiip ang bata. Pero, wala na umanong silbi ang wisdom teeth lalo pat nagiging malambot na ang kinakain ng mga tao.

5. APPENDIX - Bukod sa appendicitis na napakasakit at nagbabanta sa buhay, hindi nagpaparamdam ang appendix. Wala itong tulong sa kahit anong proseso ng katawan. Hindi rin ito magagamit sa pagtunaw ng pagkain kahit nakakabit sa bituka.

6. LABAS NG TAINGA O EXTERNAL EAR - Naging useful ang labas ng tainga noong panahon ng pandemya. Dito kasi ikinakabit ang magkabilang loop ng mga facemask na gamit sa pag-iwas sa nakamamatay na COVID-19. Bago mag-COVID, lagayan lamang ng tangkay ng salamin ang gamit nito.

Kahit umano wala nito, makaririnig pa rin ng malinaw ang mga tao.

7. JACOBSON’S O VOMERONASAL ORGAN - Ano ito? Iilan lamang mga tao sa buong mundo ang nakakaalam kung saan ito matatagpuan o ano ang gamit nito sa tao. Ang organ na ito ay makikita sa ating mga nasal lining, sa may loob ng ilong.

Patuloy pa rin ang debate ng mga siyentipiko, anatommist at iba pang mga experto kung ito ay may gamit o wala. Lumalabas sa mga pananaliksik, wala pang makitang

8. GOOSE BUMPS - Kapag kinikilig, giniginaw o nakikiliti lumalabas ang goose bumps. Agad naman itong nawawala. Ano kaya ang ginawa nito para magpakita. Bakit hindi naman lagi itong dumadalaw kapag may malakas na emosyon? Maaaring ang sagot dito ay “wala lang”. Siya nga pala, hindi totoo na tagos hanggang buto ang kilig… walang “kilig to the bones”, skin deep lamang ang goose bumps.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page