top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

VP Sara, Isko sanib-puwersa na!

4/28/25, 5:47 AM

TONDO, Maynila — Lalo pang tumagilid ang re-election bid ni incumbent Manila mayor Dra. Maria Sheila 'Honey' Lacuna-Pangan sa pagsanib-puwersa nina vice president 'Inday' Sara Duterte-Carpio at nagbabalik na Manila mayoral candidate Francisco 'Isko Moreno' Domagoso.

Kasunod ito nang pagdalo ni VP Duterte sa campaign rally ng 'Yorme’s Choice' ni Domagoso na isinagawa sa Mayhaligue sa Ikalawang Distrito ng Maynila nitong nakaraang linggo ng gabi at pag-endorso ng pangalawang pangulo sa Team Duterte para sa May 12 elections.

Matatandaang dumausdos sa ikatlong puwesto sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) si Lacuna-Pangan sa 15 porsyento habang naungusan na rin siya sa mayoralty race ni outgoing Tutok to Win party-list representative Samuel Salonga Verzosa Jr. na pumapangalawa kay Domagoso sa naitalang 16 na porsyento. Nanatiling nangunguna si Domagoso sa bentaheng 67 porsyento.

Nagdesisyon si VP Duterte na suporta hang ang Yorme's Choice dahil na rin sa magkatuwang ang kanilang mga layunin na maglingkod sa sambayanang Pilipino habang inilarawan ng panganay na anak babae ni ex-president Rodrigo 'Rody' Duterte kung gaano kabuti ang pamamalakad ni Domagoso sa Maynila noong siya ang alkalde.

Wika ng bise presidente, dapat alamin umano ng mga botante ang abilidad at kapasidad ng isang kandidato na maglingkod para sa bayan.

“Kapag ikaw isang lider, ginampanan mo ang tungkulin mo sa taumbayan–sinumpa mong tungkulin ay iayos mo kahit hindi ka naika makita ulit ng tao—iboboto ka ulit taongbayan,” reaksyon naman dito ni Domagoso.
Prayoridad umano ng nagbabalik na mayor ang kapakanan ng nakararami kaya naman naging mabilis ang kanyang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Manilenyo, lalo na noong kasagsagan ng lockdown na pinairal noong kasagsagan ng pandemya ng coronavirus o Covid-19.

Sa huli, nagpasalamat naman si VP Duterte sa mga taga-Maynila sa masidhing suporta at pagmamahal na I pinakita sa pakikinig sa kanilang talumpati at gayun din sa patuloy na pagtitiwala hindi lang sa kanya kundi maging sa kanyang amang si dating pangulong Duterte at sa kanyang pamilya.

Pinasalamatan din niya si Domagoso dahil sa pagpapahiram aniya nito ng stage, mikropono, LED wall at kuryente para sa kanyang pangangampanya sa Maynila para sa Team Duterte.

Umapila rin si Domagoso sa mga botante ng Maynila na suportahan ang mga tumatakbong senador na sina Atty. James Patrick 'Jimmy' Bondoc at re-electionist senadora Maria Imelda Josefa Remedios 'Imee' Marcos na dumalo rin sa campaign rally.

(Larawan mula sa YouTube)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page