top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Tulad ng POGO, e-sabong malapit nang ipagbawal

6/5/25, 8:17 AM

Ni Tracy Cabrera

BATASAN, Lungsod Quezon — Pinagtibay na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na tuluyang ipagbawal ang e-sabong sa buong bansa dahil sa masamang epekto umano nito sa mga mamamayang nalululong sa bisyong pagsusugal.

Sa botong 163 pabor, isa lang ang tumutol at walang abstention para tuluyang inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 11254 na inakda ng 16 kongresista para ipagbawal ang nasabing uri ng sugal dahil sa dami ng buhay na sinira umano nito sa mga nakaraang panahon.

“This representation has been a personal witness on how e-sabong devastated lives and families. Its eradication is both a legal and moral imperative. I welcome the passage of this bill, which is long overdue. We must not allow profit and greed nip the fortune and lives of many Filipino people,” ani CIBAC party-list representative Eddie Villanueva na kabilang sa may akda sa inaprubahan nang panukala.

Magugunita na maging ang mga alagad ng batas ang nabaon sa utang dahil sa e-sabong kaya para makabayad ang mga ito ay gumagawa sila ng mga iligal na gawain tulad ng panghoholdap at iba pang krimen.

Marami din umanong pamilya ang nasira dahil sa e-sabong at ang labis na ikinakot ng mga mambabatas ay pagkalulong ng mga kabataan sa e-sabong kaya isinulong ang nasabing panukala.

Kapag tuluyang naging batas ang nasabing panukala, lahat ng permit na ibinigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ay idedeklara bilang ‘null and void' at inaatasan ang lahat ng mga law enforcement at cybercrime agency na lansagin ang lahat ng mga e-sabong platform.

Sakaling may magtatangkang mag-operate pa rin kapag ipinatupad na ang total ban sa e-sabong, maaaring makulong ang mga operators ng platform ng hanggang 20 taon at pagmumultahin ng hanggang P20 milyon.

“The vote (for the proposal's approval) reflects a resounding moral stand. Let us safeguard our people, especially the poor, from the destructive schemes of greedy individuals profiting through digital means,” giit ni Villanueva.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page