Team Aksyon at Malasakit inendorso ng Iglesia Ni Cristo sa Kalookan
%20(11).jpeg)
5/7/25, 7:48 AM
LUNGSOD KALOOKAN, Kalakhang Maynila — Kumbinsido ang marami na tapos na ang laban sa pagka-mayor ng Caloocan at dahil sa inendorso na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kandidatura ni mayor Dale Gonzalo 'Along' Malapitan bilang reelectionist mayor ng lungsod.
Sa ulat, kasamang inendorso ng INC ang ka-tandem ni Malapitan na si vice mayor Karina Teh at ang dalawampung iba pang miyembro ng local slate ng Team Aksyon at Malasakit para sa darating na halalan sa Lunes, Mayo 12.
Mapapalakas din ng pag-endorsong ito ang kampanya ni Mayor Along na nauna nang tinambakan sa mga pre-election survey ang katunggaling si dating Senador Antonio 'Sonny' Trillanes IV.
Matatandaang sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Mayo, nakakuha ng 82 porsyento ng mga tinanong na botante ang sumuporta kay Mayor Malapitan habang 14 porsyento lamang ang nakuha ni Trillanes.
Ang pag-endorso ng Iglesia ni Cristo kay Mayor Malapitan ang tila nagsarado nang tuluyan sa pangarap ni Trillanes na maging alkalde ng Kalookan.
