top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Sulong Parañaque! 30 kompanya kinasang magbigay trabaho

7/14/25, 5:00 AM

Ni Tracy Cabrera

Isa sa mabigat na suliranin ng Pilipinas ay ang kakulangan—kung hindi man kawalan—ng oportunidad sa trabaho para masuportahan ang mga pangangailangan ng bawat pamilya.
Ito ang binigyan pansin ni Parañaque mayor 'Kuya' Edwin Olivarez dahil prayoridad ng alkalde na mapaangat ang kalagayan ng bawat pamilya sa lungsod.

Upang matugunan ang bagay na ito, pinangunahan ng alkalde ang 'Mini Job Fair and Job Seeker's Forum' nitong nakaraang Biyernes, Hulyo 11, na isinagawa sa Parañaque City Sports Complex sa Barangay San Dionisio at nilahukan ng mahigit 30 kompanya.

Ayon kay, Mayor Olivarez, ikinasa ang mini job fair na nagagawa ng on-the-spot hiring at direct interview ng mga employer sa tulong ng Public Employment Service Office na pinamumunuan ni Ginang Amalia Martin.

Nakasama rin sa aktibidad ang nakababatang kapatid ng alkalde na si Parañaque District I Eric Olivarez at sina city vice mayor Benjo Bernabe at mga konsehal Juvan-Tin Esplana at Victor Eric 'Wahoo' Sotto, na mga katuwang din ng City Nutrition Office.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page