Starbucks umamin ng pagkakamali sa reklamo ng na-insultong PWD

7/23/25, 10:03 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Isang taon matapos na humingi ng paumanhin sa mga senior citizens, ang Starbucks Philippines ay muling nag-apologize naman sa isang person with disability (PWD) dahil sa nakakainsultong insidente kamakailan lang sa Festival Mall sa Alabang.
Ayon sa reklamo ni Marievic Cruz, maybahay ng customer, sa halip na pangalan niya ang itinatak sa baso ng kanyang order na inumin, ang uri ng kanyang kapansanang pisikal ang inilagay.
“Speech” na tumutugon sa kapansanan ng PWD ang isinulat sa baso gayong standard operating procedure ng Starbucks na pangalan ng customer ang ilalagay upang matawag ito kapag handa na ang kanyang order.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Cruz na “speech” nga at hindi pangalan ng kanyang asawa isinigaw mula sa bar upang kunin na ng customer ang kanyang order.
Ang asawa ni Cruz ay mayroong speech impairment.
Lubos daw ang kahihiyan at sama ng loob ang naramdaman ng mag-asawa dahil sa pangyayari.
Nangyari ang insidente habang nagdiriwang ang bansa ng National Disability Rights Week para sa mga PWD’s ng bansa.
Naging viral sa social media ang pangyayari na hindi lumagpas sa sunod-sunod na kritisismo laban sa kumpanyang base sa Amerika.
Ayon sa mga report, kinumpirma ng Starbucks management ang nangyari at ito ay humingi na ng paumanhin sa mag-asawang nagreklamo sa kanila.
Sa pahayag, sinabi ng Starbucks na kumpirmado na napagkamalan ng kanilang barista na ang kapansanan na nasa ID card para sa mga PWD ang pangalan ng customer.
“We fully acknowledge our mistake and will reinforce with our teams the values and service standards that we expect,” paliwanag ng management ng coffee shop.
Matatandaang ilang buwan na rin ang lumipas nang kondenahin ang Starbucks dahil sa umano’y paglabag nito sa Republic Act 9994 na nagbibigay ng 20% diskwento sa halaga ng mga pagkain na order ng mga senior citizen.
Nagsagawa ng congressional inquiry ang Mababang Kapulungan sa pangyayari at agad naman humingi ng paumanhin ang sikat na
