Singil sa Meralco rates tataas sa Pebrero

2/11/25, 4:55 AM
Tataas ang singil sa koryente sa buwan ng Pebrero ng Manila Electric Company (Meralco), ayon sa pahayag ng kumpanya nitong Martes (Peb. 11).
Ang household electricity rate ay madaragdagan ng 28.34 sentimo sa bawat kilowatt-hour (KWh), Ang halaga ng elektrisidad noong Enero ay PHP11.728 bawat KWh.
Ang dagdag na gastos ay magtataas ng buwanang bayad sa koryente ng PHP57 para sa mga customer na kumukonsumo ng 200 kWh lamang.
Ang pagtaas ng singil ng koryente ay dahil na rin sa sa paakyat na halaga ng generation charges sa 38.45 bawat kWh dahil umano sa pagsipa namang ng halaga mula sa Independent POwer Produers na nagdagdag ng 83.55 sentimo bawat kWh.
Ito ay sanhi ng pagbaba ng halaga ng piso at ang pagtaas ng presyo ng liquefied natural gas (LNG) terminal fees.
