Simbahan sa Naga City, isinara muna matapos magpatiwakal ang 18-anyos na lalaki

7/1/25, 5:14 AM
Ni Samantha Faith Flores
Nagdesisyon ang diyosesis ng Caceres sa Naga City na pansamantala munang isara a simbahan ng San Francisco de Asis matapos magkamatay ang isang parokyano matapos ang misa noong Linggo (Hunyo 29).
Sa isang pahayag, nagpa-abot ng pakikiramay ang pamunuan ng Archdioceses of Caceres sa pamilya ng lalaking nagpatiwakal sa loob ng simbahan at sa mga parokyanong apektado ng malagim na trahedya.
“We pray for the eternal repose of the soul of the deceased. We pray that deep psychological suffering will not lead to hopelessness,” sinabi ng diyosesis sa isang pahayag na pinirmahan ni Rev. Fr. Darius S. Romualdo, JCD, chancellor.
Dagdag pa nito: “We encourage anyone who may be experiencing distress, please seek help from a priest, a counselor or a trusted friend. We are here for you.”
Ayon sa diyosesis , hindi nito huhusgahan ang naging desisyon ng nagpakamatay . Nangako rin ang mga namumuno dito na makikipag-ugnayan sa mga awtoridad na nag-iimbestiga ng insidente.
“In these moments of sorrow and uncertainty, the Church offers not judgment, but the hope of Christ’s mercy, who came to bind up the wounded and heal the brokenhearted,” diin ng diyosesis.
Napabalitang nagbaril sa sarili ang isang 18-anyos na lalaki matapos siyang dumalo sa misa sa simbahan ng San Francisco noong Linggo.
Hindi na ipinaalam ang dahilan kung bakit kinitil ng teenager ang sariling buhay.
Sa pahayag, ipinaliwanag ng diosesis na alinsunod sa Canons 1211-01212 ng Code of Canon Law at sa liturhikal na pag-atas, pansamantala muna isaasara ang parokya sa loob ng tatlong araw upang maibalik sa maayos ang kalagayan ng sagradong lugar.
Magbubukas na muli ito sa Miyerkules (Hulyo 2) at isasagawa ang Rite of Reparation and Healing sa araw na ito.
