top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Sia tinaningan ng 5 araw para sagutin ang DQ laban sa kanya

4/23/25, 7:44 AM

Ni Tracy Cabrera

INTRAMUROS, Maynila — Binigyang lamang ng limang araw ng Commission on Elections (Comelec) si Pasig congressonal candidate Christian Sia upang sagutin ang petisyon para sa kanyang diskuwalipikasyon sa nalalapit na halalan sa Mayo 12 kaugnay ng kanyang pagdisrespeto sa mga single mother.

Sa dalawang-pahinang summons ng Second Division ng Comelec, Sinabihan si Sia na maaaring niyang tugunan ang reklamo ng personal o kaya sa pamamagitan ng e-mail.

"Failure to file a verified 'answer cum memorandum' within the reglementary period shall bar the respondent from submitting controverting evidence," paalala ng Comelec division.

"A motion to dismiss, reply, rejoinder, and similar pleadings are prohibited. Nonetheless, the grounds for a motion to dismiss may be used as affirmative defenses," dagdag nito.

Ayon sa Second Division, ituturing na "submitted for resolution" ang kaso sa sandali ng natanggap ang kasagutan ni Sia o sa expiration ng limang-araw na tanging, "alin man ang mauna."

Nag-ugat ang disqualification case kay Sia sa birong ginawa nito noong nangangampanya ng Abril 3 kaugnay ng parunggit niyang payag siyang sumiping sa mga nalulungkot na single mother na nireregla pa kung siya'y mahahalal bilang kinatawan ng Pasig.

Sa gitna ng inning batikos dahil sa pahayag na iyo, naghain nitong nakaraang linggo ang Task Force on Safeguarding Against Fear and Exclusion in Elections (SAFE) ng motu proprio petition para sa diskuwalipikasyon ni Sia.

Si Pasig congressional candidate Christian Sia. (Larawan mula sa India Today)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page