top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Sa wakas, ipinagbawal ng Comelec ang AICS, Akap atbp social services

3/3/26, 10:55 AM

Ni Annietha Fae Mar

ANTIPOLO CITY - Marami ang nagtaka at higit na marami ang natuwa nang ipagbawal ng Commission on Elections ang pamimigay ng mga ayuda at iba pang social services para sa pagsasagawa ng special elections sa Antipolo City.

Naging kontrobersiyal ang desisyon ng Comelec noong magsagawa ng mid-term elections noong nakaraan taon sapagkat malaya ang mga kandidato ng administrasyon na magpamudmod ng iba’t ibang ayuda na ginamit pansuhol sa mga botante.

Bagamat nagtakda ng ban para dito ang Comelec, noong malapit na ang araw ng halalan, malaking halaga na ang ipinamigay ng mga kandidato noon.

Ang pagbabawal na magpakita sa mga lugar ng ayuda ay harapang binalewala ng maraming kandidato, higit sa Quezon City.

Ayon sa mga nakasaksi, maraming mga lokal na kandidato ang nagpapakita sa lugar ng bigayan ng ayuda upang bumati sa mga tao atsaka umaalis sa oras ng pagdating ng mga kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno.

“Timing na timing at halatang orchestrated sapagkat kadalasan nakakapag-talumpati pa ang mga kandidato atsaka biglang mawawala pagdating ng mga kahera,” paliwanag ng isa sa QC.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, siyam na araw ang itatagal ng pagbabawal sa social services sa Antipolo City. Magsisimula ito sa Marso 4 at magtatapos sa Marso 13.

Ang mga ipinagbabawal ay ang pamimigay ng cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS); Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare Development at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Diadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employmnt.

“When we say absolute ban, it means absolute. Let’s not look for any loopholes or test the resolve of the Comelec. There will be no room for compromise,” ang matapang na sinabi ni Garcia.

Ihahalal sa special elections sa Marso 14 ang kapalit ni yumaong Rep. Romeo Acop ng ikalawang distrito ng siyudad. Si Acop ay pumanaw noong Disyembre 20, 2025.

Pitong kandidato ang maglalaban-laban para kongresista. Sila ay sina Philip Conrad Acop, Ma. Trinidad Cafirma, Dandin Infante, Reden Llaga, Nathaniel Lobigas, Lorenzo Juan Sumulong III at Irvin Paulo Tapales.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page