top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

PASUKAN NA SA ESKUWELA
38K pulis pinaghanda sa seguridad

6/9/25, 12:22 PM

Ni Tracy Cabrera

DEPED COMPLEX, Lungsod Pasig — Inaasahan ng Department of Education (DepEd) ang nasa 27 milyon mag-aaral mula preschool hanggang senior high ang magsisipasok sa iba't ibang eskuwelahan sa buong bansa para sa School Year 2025–2026.

Kaugnay nito, nasa 38 libong pulis ang itatalaga ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng inilalatag na paghahanda sa pagbabalik-eskwela sa Hunyo 16, 2025.

Ayon kay Police Regional Office III director at PNP spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, mas paiigtingin ng pambansang pulisya ang pagbabantay sa pagdagsa ng milyong mag-aaral sa mga eskuwelahan gayundin ng mga magulang na aalalay sa kanilang mga anak sa araw ng pasukan.

Palalakasin ng PNP ang pagpapatrolya sa mga pangunahing lansangan, partikular sa mga lugar na malapit sa mga paaralan para masiguro ang kaligtasan ng nasa 27 milyong enrollees.

Bukod sa police visibility at beat patrol, magtatatag din ang PNP ng mga police assistance desk para matiyak na mabilis na mabibigyang pansin ang pangangailangan ng mga estudyante, magulang at maging mga school personnel.

Inihayag naman ni PNP chief Major Gen. Nicolas Torre III na dito masusubukan ang response time ng mga pulis sa oras ng pangangailangan, emergency o simpleng police assistance na bahagi ng kanyang planong 5 to 3 minutes emergency response time.

Sa panayam kay DepEd assistant secretary Jocelyn Andaya, tinatayang nasa daang libong bagong classrooms na ang kanilang naipatayo upang matugunan ang bilang ng mga estudyante.

“We will be able to build 105,000 new classrooms, and we will accelerate it through the early procurement activities na pinu-push natin ito. Nakikipag-coordinate closely tayo sa DPWH (Department of Public Works and Highways) sa ganitong bagay,” punto ni Andaya.

Katuwang din ng DepEd ang mga local government unit (LGU) upang malutas naman ang mga sira sa classrooms, partikular ang mga upuan at lamesa ng mga estudyante.

Kaugnay naman ng kakulangan ng bilang ng mga guro, iginiit ni Andaya na mayroon nang itinakdang 20,000 bagong item sa plantilla kay kapag ma-fill up na ito, mahigit 32,000 na lang ang magiging kakulangan.

Mga estudyateng papasok ngayong school year 2025-2926. (Larawan mula kay Senator Bam Aquino)

Comments

Deine Meinung teilenJetzt den ersten Kommentar verfassen.
bottom of page