Pag-imprenta ng balota nasa 92% na

3/12/25, 12:04 PM
Ni Tracy Cabrera
DILIMAN, Lungsod Quezon — Nasa 92 porsyento na o 61 milyon hanggang 62 milyong balota ang natapos nang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin para sa nalalapit na nasyonal at lokal na eleksyon (NLE), inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) sa paghahanda sa gaganaping midterm polls sa Mayo 12 ngayong taon.
Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, aabot na lamang sa halos anim na milyong balota ang kailangan pang iimprenta sa mga susunod na araw kaya natitiyak niyang makukumpleto ito nang bago sa itinakda ng petsang sa Abril 14.
Sinabi pa ni Garcia na sa naturang bilang ng mga balotang naiimprenta na, 37 milyon na ang natapos nang beripikahin.
Dinagdag pa nito na kailangang bilisan ang proseso ng pagberipika sa mga balota kaya’t sa sandaling matapos nila ang ballot printing ay gagamitin naman nila ang kanilang mga tauhan para sa ballot verification.
“On the average, kailangan makapag-verify tayo ng 1.2 million balota on a single day para makaabot kami sa self-imposed deadline para sa distribution ng balota,” pinunto ng Comelec chief sa pag-as am na majatapos sila rito sa pagsapit ng Marso 19.
