top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Mga LGUs mamamahagi ng libreng bigas simula Abril

3/26/26, 5:45 AM

Ni Tracy Cabrera

MALAKANYAN, Maynila — Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. Sa lahat ng lgaall local government unit (LGU) na tumulong maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, sisimulan ngayong Abril ng mga lungsod at munisipalidad na mamahagi ng libreng bigas para sa kani-kanilang nasasakupan.

Ang pamamahagi ng libreng bigas ay isasagawa sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) bilang bahagi ng inisyatibo ng administrasyon Marcus Jr. na matulungan ang mamamayan na maharap ang krisis na dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa press conference sa Palasyo ng Malakanyan, hinayag ng punong ehekutibo na ilulunsad ng mga LGU ang nasabing rice program sa ilalim ng expanded LGSF “within the next week or two.”

Idinagdag niya na ang pondog inilaan dito ay ibibigay sa mga pamahalaang lokal upang maisagawa sa mabilis na paraan at sa lalong madaling panahon.

“Each LGU would provide at least 50 percent of the LGSF funds for the purchase and distribution of rice to their constituents. They can use 100 percent of the fund for the rice distribution but it is up to them. However, it is necessary that at least 50 percent of the funds they receive must be used to purchase and distribute rice,” nilinaw ni Ginoong Marcos.

Sa ilalim ng expanded LGSF, makatatanggap ang mahigit limang milyong pamilya ng 60 kilo ng bigas taun-taon o 10 kilong bigas para sa anim na buwang konsumo kada taon.

Hinayag pa ng Pangulo na popondohan din ng LGSF ang mga kakzilanganin para sa upgrade ng mga health facility, disaster preparedness initiative at kritikal na proyektong imprastraktura, kabilang na ang mga farm-to-market road, electrification, at water supply system.

“This will help lower the prices of goods and increase farmers’ incomes,” wika ni Mr. Marcos upang pangako ang commitment ng pamahalaan na “no one will be left behind” sa gitna ng krisis sa pamamagitan ng rice aid na may layuning bawasan ang household ng mga Pilipino habang sinusuportahan ang lokal na agrikultura.

Sa ilalim ng General Appropriations Act ngayong taon, inilaan ng administrasyon ang pinakamalaking LGSF sa halagang ₱57.872 bilyon. Kasama na rito ang ₱37.492 bilyon para sa Financial Assistance sa mga LGU, ₱11.3 bilyon sa Growth Equity Fund, ₱8.09 bilyon sa Support to the Barangay Development Program at ₱1 bilyon sa Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting.

(Larawan mula sa Philippine Information Agency)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page