Mga gov't worker sagip sa utang ng GSIS loan buyout
.jpg)
6/3/25, 7:25 AM
Ni Tracy Cabrera
GSIS COMPLEX, Pasay City — Masasagip na ang mga empleyado ng pamahalaan na matagal nang lubog sa utang sa paglunsad ng pinaigting na Ginhawa Max Loan Buyout program ng Government Service Insurance System’s (GSIS).
Ayon kay GSIS president at general manager Jose Arnulfo 'Wick' Veloso, nagbibigay ang nasabing programa ng much-needed relief sa mga kawani ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-buy out sa kanilang utang upang makapanimula silang muli sa ilim ng mas maginhawang payment term sa ilalim ng GSIS.
"The Ginhawa Max Loan Buyout empowers qualified government employees para ma-settle ang kanilang mga utang mula sa mga abusadong lender. Puwede ng i-consolidate ng mga nangungutang at i-buy out ang kanilang existing high-interest loans sa pamamagitan ng GSIS at ma-enjoy ang interest rates na six percent lang kada taon," pinunto ni GM Veloso.
Base sa enhanced program, maaaring humiram ang mga miyembro ng GSIS ng hanggang ₱5 milyon o 19 na beses ng kanilang buwan ang suweldo at magbenepisyo mula sa repayment period na aabot sa 10 taon ba walang mga service fee.
"Nakapagbibigay ang Ginhawa Max Loan Buyout ng tunay na paraan tungo sa financial stability at ligtas sa mga mapang-abusong money lender. Nais naming matulungan ang ating mga public servant na makalaya sa pagkaalipin sa utang at magkaroon ng financial security,” ani Veloso.
“Our priority is to extend timely financial support and affordable repayment options to more government workers,” dagdag pa nito.
Pinaliwanag din nito na upang mas maging accessible ang lifeline na ito, ang requirement lang ng GSIS ay Letter of Intent (LOI) mula sa agency head o designated representative kaya hindi na kakailanganin pa ang dating Memorandum of Agreement (MOA).
“These enhancements underscore our commitment to provide flexible financial choices to our members,” wika pa ni Veloso habang tinukoy ang Ginhawa Max Loan Buyout bilang ka bahagi ng GSIS Ginhawa Series, na kasama din ang Ginhawa Flex at Ginhawa Lite.
Para sa Karagdagang impormasyon, dalawin ang GSIS website, sundan ang GSIS sa Facebook, Instagram at TikTok o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747.
