Mary Jane Veloso nilipat na sa regular ba dormitoryo sa Correctional sa Mandaluyong
%20(4).jpeg)
12/27/24, 8:36 AM
Ni Tracy Cabrera
MAUWAY, Lungsod ng Mandaluyong — Nailipat na ang kababalik lang sa Pilipinas na si Mary Jane Veloso sa regular na dormitoryo ng Reception and Diagnostic Center (RDC) sa Correctional institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay CIW acting superintendent Marjorie Ann Sanidad, nilipat si Veloso nitong nakaraang Huwebes (Disyembre 26) ng katanghalian sa regular na dormitoryo na kung saan mananatili siya sa susunod na 55 araw.
Sasailalim sa mandatory orientation, diagnostics at classification ang 39-na-taong-gulang na dating overseas Filipino worker (OFW) na nahatulan sa kasong drug trafficking sa Indonesia.
May sukat na 48x32 talampakan ang dormitoryong kalalagakan ni Veloso, na kung saan makakaasama niya ang 30 bagong tanggap na mga bilanggo o person deprived of liberty (PDL).
“This arrangement not only promotes a sense of community but also emphasizes the importance of shared experiences and mutual support among the women as they embark on their individual paths toward reform and rehabilitation,” pinunto ng BuCor mula sa pahayag ni Sanidad.
Nilinaw ni BuCor chief Director General Gregorio Catapang na ang yugtong ito ay may layuning matulungan ang mga bagong PDL na maging pamilyar sa mga alituntunin at regulasyon ng BuCor at gayun din ang kanilang mga karapatan at pribilheyo.
Samantala, pinagutos ni Catapang sa CIW na asikasuhin na ang prison record ni Veloso mula sa Indonesia.
“This translation is crucial for the BuCor as it will enable them to assess whether Veloso's incarceration in Indonesia can be officially recognized as valid prison time under their jurisdiction,” paliwanag ng BuCor.
Inilipat sa kustodiya ng Pilipinas si Veloso makaraan ang mahigit isang dekadang pagkakakulong sa isang piitan sa Yogyakarta, Indonesia.
Hinihiling niya at ng kanyang pamilya mula kay Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. na pagkalooban siya ng presidential clemency sa git a ng mahaba niyang paghihirap sa loob ng kulungan.
Tumugon naman dito ang pangulong para ipinaliwanag na 'malayo' pang nangyari ito kailangan pang pagaralang mabuti ng mga legal expert ng pamahalaan.
Gayun pa man, hinayag na ng pamahalaang Indonesia na reresoetuhin nito ang anumang magiging desisyon ng Pilipinas, kabilang na ang pagbibigay ng clemency kay Veloso.
