top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Mapagsamantalang gasolinahan sa Malolos ipasasara - Natividad

3/12/26, 8:15 AM

Ni Tracy Cabrera

MALOLOS, Bulacan — Nagbabala si Malolos City mayor Christian Natividad sa mga abusadong gasoline station na kakanselahin o sususpendihin ng pamahalaang lungsod ng Malolos ang kanilang business permit kapag napatunayang nagsamantala ang mga ito sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sanhi ng mga pag-atake ng Estados Unidos at mga kaalyado nito kontra Iran.

Ayon sa alkalde, epektibo nitong Marso 10 ay naramdaman na ng mga motorista ang matinding epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan at pzgpapzsara ng Iran sa Strait of Hormuz na pumipigil sa pagdaan ng mga barkong may lulang mga produktong langis.

Gayun pa man, nauna nang inihayag ni Department of Energy (DoE) secretary Sharon Garin na aapela sila sa mga kompanya ng langis na huwag biglain at gawing unti-unti o dahan-dahan ang pagpapatupad ng price increase ngayong linggo.

Kaya nga ayon kay Mayor Natividad, tuluy-tuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa mga gasolinahan na maaaring magsamantala sa situwasyon. Bunsod ito ng mga reklamo laban sa dalawang gasoline station na umano'y nagtaas agad ng kanilang presyo nang hindi pa tiyak kung ang ibinebenta ay mula sa dati nilang supply o sa bago na mataas na ang presyo.

Nabatid na nakatanggap ang Office of the Mayor ng mga reklamo at impormasyon mula sa ilang mga motorista na ang nasabing dalawang gasolina Han, na hindi muna pinangalanan, ay tumigil ng kanilang operasyon bago ipatupad ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“We see to it na mapapanagot sila at ma-hold liable sila sa ano mang batas na maaaring na-violate nila dahil sa pananamantalang nagawa nila,” mariing pinunto ni Natividad.

Kaugnay nito, sinabi ng alkalde na nagtalaga na rin siya ng mga police personnel na siyang magbabantay upang matiyak na walang mananamantala.

Giit nito, revocation o suspension ng business permit ang ipapataw na parusa sa mga mahuhuling umabuso bukod pa sa paglabag sa mga kaukulang batas na kaugnay sa hoarding at price manipulation.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page