Limang LTO enforcers sa marahas na paghuli ng rider sinibak ng DOTr

3/3/25, 9:04 AM
Ni Samantha Faith Flores
Tinanggal na sa trabaho ang limang enforcers ng Land Transportation Office matapos mag-viral ang marahas na paghuli nila sa isang rider sa Panglao, Bohol.
Iniutos ni Transportation Secretary Vince Dizon ang pagsibak sa mga enforcers na pinatawag din ng provincial government ng Bohol upang magpaliwanag sa umano nilang inasal
Sa isang press conference nitong Lunes (Marso 3), sinabi ni Dizon na ang kanyang desisyon ay “without prejudice” sa mga kasong maaring isampa sa mga natanggal ng LTO enforcers.
Idiniin ni Dizon na hindi dapat pahintulutan na manatili sa pamahalaan ang mga abusado sa puwest.
Naospital ang rider na sinaktan umano ng mga LTO enforcers na humuhuli sa kanya dahil sa traffic violation.
Nakuhanan ng CCTV ang pangyayari na agad namang nag-viral sa social media.
Ayon kay Asst. Secretary for Road Transport Jojo Reyes ang biktima ay naka-experyensya ng pananakit ng likod at leeg bukod pa sa mataas na presyon ng dugo.
Bago sila tanggaling sa trabaho, ang limang LTO enforcers ay sinuspindi habang iniimbestigahan angpangyayari.
Base sa impormasyon ng Department of Transportation nangyari ang insidente noong Pebrero 28 nang hulihin ng mga LTO enforcers ang lalaking nagmamaneho ng motorsiklo.
Nahulihan umano ang lalaki ng patalim kung kaya’t siya ay hinuli.
Nagpaliwanag ang hinuli na siya ay isang magsasaka at ang dala niya ay gamit sa kanyang paghahanapbuhay.
Nagin marahas umano ang pagkakahuli na nai-records sa CCTV
