Kalaban ni Gov. Pacquiao sa pagka-governor sugatan sa ambush

11/25/24, 3:43 AM
Nasa seryosong kalagayan ang isang kandidato para gobernador ng Saranggani para sa halalan sa 2025 matapos na tambangan at pagbabarilin noong Sabado (Nobyembre 23).
Nagtamo ng dalawang sugat sa tiyan si Gladden Lim, 48 anyos na abogado at negosyante, matapos na barilin ng salarin na lulan ng isang motorsiklo.
Gumamit ng .45 kalibre pistola ang gunman nang matiyempuhan nito si Lim habang palabas na ng kanyang kotse sa may simbahan sa Dacera Avenue, Barangay City Heights bandang alas-6 ng hapon noon Nob. 23.
Agad naman inilayo ng mga pulisya sa pulitika ang motibo ng bigong pagpatay kay Lim.
Ayon sa inisyal na resulta ng imbestigasyon, lumalabas na away sa lupa ang motibo sa likod ng pamamaril.
Lalabanan ni Lim sina incumbent Gov. Rogelio Pacquiao at Muhammad Aquia sa darating na halalan sa 2025.
Dating kongresista, si Rogelio ay nakababatang kapatid ni boxing icon at dating Senador Manny Pacquiao.
Katulad ni Lim, si Aquia ay tumakbo na bilang gobernador noong 2022 ngunit nabigo siyang talunin si Pacquiao.
