top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Ina pinaslang ng 15-anyos na anak dahil sa pagkain; katawan ng biktima itinago

8/22/25, 8:21 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Pinatay atsaka itinago ng 15 anyos na batang lalaki ang kanyang 55-taon- gulang na ina matapos na tanggihan ng biktima ang hinihinging pagkain ng anak sa Plaridel, Misamis Occidental, ayon sa ulat ng pulisya nitong Biyernes (Agosto 22)

Natagpuan ang naagnas na bangkay nanay nitong Miyerkules, limang araw matapos na suntukin at ihampas ang ulo niya ng sariling anak sa kanilang tahanan noong Agosto 15.

“Sinuntok ng suspek ang biktima at iniumpog ang kanyang ulo sa sahig, dahilan upang mawalan siya ng malay,” ayon sa mga imbestigador.

Ikinuwento ng salarin ang kanyang karumal-dumal na krimen sa mga pulis matapos sumuko ilang oras lang nang matagpuan ang bangkay ng kanyang ina.

Ayon sa suspek hindi siya sigurado kung patay na ang ina nang hilahin niya ang katawan nito sa isang kuwarto bago tumakas.

Binendahan umano niya ang ulo ng ina bago iwan ito. Pagkatapos nito ay nilinis niya ang mga dugo sa sahig at nilisan ang bahay bandang alas 7 ng gabi sa araw din na iyon.

Ang nakapangingilabot na krimen ay nadiskubre bandang alas-2 ng hapon noong Agosto 20 nang umalingasaw sa mga kalapit na bahay ang masamang amoy ng naaagnas na bangkay.

Nabigla at lubhang nalungkot ang mga kapitbahay ng mag-ina sa kalunos-lunos na nangyari sa biktima.

Dahil sa menor de edad ang salarin, inaasahang ilalagak siya sa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development office.

Ngunit desidido ang pulisya na sampahan ng kasong murder ang batang suspek.

Photo from tiktok.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page