top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Imee: Siniguro ang pagliban ng barangay, SK elections; karagdagang termino ng mga opisyal

2/3/25, 9:49 AM

Madaragdagan ang termino ng mga nakaupong Barangay at Sanggutiang Kabataan sa kasalukuyan dahil walang halalang magaganap na halalang barangay level ngayon taon ng 2025.

Ito ang sinigurado ni Sen. Imee Marcos sa mga lokal na opisyal ng Albay nang kanyang puntahan ang pagbubukas ng 15th Cagsawa Festival na ginanap sa Daraga, Albay.

Ayon sa nakatatandang kapatid ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr., tinatapos na ng Senado ang detalye ng pagpapaliban ng BSK elections ngayon taon.

“We are still negotiating the exact details, but I think it’s quite clear that we’re not having an election this year,” sinabi ni Sen. Marcos.

“I hope that tuloy-tuloy na and we should extend the barangay term instead of three years to minimum of four years to a maximum of six,” dagdag ng senadora.

Sa panukalang batas ng Senado, itinatakda sa apat na taon at hindi lalagpas sa tatlong termino ang panunungkulan ng mga halal na barangay officials.

“So four years, times three terms. So tatapusin namin iyan in the next two meetings, kasi tatlong session na lan, malapit na,” sabi ng Marcos.

Sa Senate Bill No. 2816 na ipinasa sa ikatlo at pinal na pagbasa noong Enero 14, ang isang termino ng halal na mga opisyal ng barangay, kasama ang SK, ay hindi lalagpas sa tatlong taon.

Ipinagbabawal din na manilbihan sila ng hihigit pa sa tatlong magkakasunod na termino sa hinahawakang posisyon.

Ayon din sa bill ang susunod na BSK election ay magaganap sa unang lunes ng Oktubre, 2027 at tuwing ika-apat na taon matapos ito.

Photo from cebudailynews.inquirer.net

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page