top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Hindi usaping rehiyonal o pagiging babae ang impeachment kay VP Sara - solon

4/23/25, 8:52 AM

Ni Tracy Cabrera

BATASAN, Lungsod Quezon — Walang kinalaman ang isyu sa pagiging babae o nagmula sita sa Mindanao kaya sinampahan ng impeachment complaint si Vice President 'Inday' Sara Duterte dahil ang pinag-uusapan dito ay ang pananagutan niya sa maling paggamit sa confidential and intelligence funds (CIF) ng kanyang tanggapan at maging sa Department of Education (DepEd) noong siya pa ang kalihim ng kagawaran.

Ito ang tinuran ni House Assistant Majority Leader Jude Avorque Acidre ng Tingog party-list matapos palabasin umano ni VP Duterte na kaya siya in-impeach ay dahil taga-Mindanao siya at gayun din ang pagiging babae niya.

“Walang kinalaman ang regional or personal identity sa isyung ito. Ang pinag-uusapan dito ay pananagutan ng isang opisyal na tumanggap ng pondo para sa mga sensitibong operasyon pero walang malinaw na detalye kung paano ito ginamit,” mariing pinunto ni Acidre.

Ayon sa kinatawan ng Tingog, kaya na-impeach si VP Duterte ay dahil hindi nito maipaliwanag kung paaano ginamit ang kanyang CIF na umabot sa ₱612.5 milyon, bukod sa ginawa nitong pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Romualdez Marcos Jr., First Lady Marie Louise 'Liza' Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Binigyang-diin ni Acidre ang tungkulin ng Kamara de Representante na itaguyod at ipatupad ang mga probisyon ng Saligang Batas upang matiyak na ang lahat ng opisyal—anuman ang ranggo—ay may pananagutan sa kanilang ginagawa kaya walang kinalaman kung saan rehiyon galing si VP Duterte o dahil sa babae ito.

“The impeachment complaint did not materialize in a vacuum. It came after exhaustive hearings, testimonies and evidence pointing to clear irregularities,” ayon pa sa mambabatas na bahagi ng majority bloc sa Kamara.
Tila minaliit din ni Acidre ang pahayag ni VP Duterte na kumpiyansa umano ito na aabsuweltuhin siya ng Impeachment court dahil wala umano itong nagawang kasalanan, lalo na sa paggamit ng kanyang CIF.

Sinabi ng mambabatas na kung talagang walang kasalanan ang pangalawang pangulo, dapat nitong sagutin ang mga alegasyon na inimbento lamang ang mga benepisaryo ng kanyang CIF subalit hindi niya ito ginagawa.

“You cannot claim vindication when you have yet to offer a full and truthful accounting of public funds entrusted to your office,” ayon dito.

“Public officials are stewards of taxpayer money. When questioned, the proper response is transparency, not evasion. It’s not enough to say ‘I did my job.’ She must show us how, when and where those millions were spent,” dagdag pa ni Acidre.


Si vice president 'Inday' Sara Duterte-Carpio. (Larawan mula sa SunStar)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page