top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Hindi lisensyadong punerarya sa Maynila ipinasara ni Moreno

8/1/25, 10:28 AM

Ni Raselle Joyce Sabado

Ipina-padlock ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang puneraria sa Sta. Cruz district dahil sa paglabag sa maraming regulasyon, kasama na rito ang pag-stock ng mga nabubulok nang mga bangkay.

Lumalabas na dalawa sa mga bangkay ay mayroon nang mga claimants ngunit hindi umano ito ibinigay ng kanila ng Body and LIght Funeral Services.

May walo pang mga naa-agnas na mga katawan ng patay na tao ang naka-stock sa punerarya, ayon sa mga inspektor ng Manila North Cemetery.

“Ginawa nilang mga hotdog ang mga bangkay ng tao, patong patong ang mga ito at nabubulok. Walang freezer, hindi tama ang pangangalaga ng mga cadaver, walang lisensya at wala rin silang permit,” ayon kay Moreno.

Nadismaya rin ang alkalde nang malaman nito na isang maliit na apartment lamang ang ginawang punerarya.

Nanawagan siya sa mga kaanak ng mga labi na makipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod. Siniguro niya na mabibigyan ng disenteng burol at akmang paglilibing ang mga nasawi.

Ang nabubulok na bangkay ay kinalala ng mga kamag-anak ng mga ito.

Isa dito si Leah Tongol na pinaslang sa Malate noong Abril, 2025. Hindi matubos ng pamilya ng biktima sapagkat hindi nila kayang bayaran ang PhP150,000 na sinisingil ng Body and Light.

Ganoon din ang sinapit ng bangkay ni Rennan Pornobi, isa rin biktima ng pamamaslang sa Ermita.

Naipag-burol na ng pamilya ang mga labi ni Pornobi ngunit binawi ito ng punerarya nang dahil hindi kinayang punuan ng mga naulila ang sinisingil ng Body and LIght na balanseng PhP85,000 .

Photo from www.diskurso.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page