FFF: Hindi sapat ang import suspension para maibsan ang hirap ng mga magsasaka
%20(1).jpeg)
8/9/25, 6:54 AM
Ni Tracy Cabrera
MANGGAHAN, Lungsod Pasig — Nalugi na ng ₱54.5 bilyon ang mga lokal na magsasaka sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan, ayon sa Federation of Free Farmers (FFF) kasabay sa kahilingan nito mula pamahalaan na higpitan ang pag-angkat ng bigas dahil ito ang iniinda ng sektor ng agrikultura.
Pinagutos ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ngayong linggo ang suspensyon sa importasyon ng bigas sa loob ng dalawang buwan simula sa unang araw ng Setyembre upang proteksyunan ang mga lokal na magsasaka na naapektuhan sa mababang presyo ng palay.
Subalit sa pananatili ng taripa sa 15 sa halip ng 35 porsyento, pinunto ni FFF chairman Leonardo Montemayor, na dating namuni ng Department of Agriculture, na maaaring hindi maging sapat ang suspensyon para makamit ang nais ng Pangulong matulungan ang ating mga magsasaka
"Bumagsak na ang farmgate price ng palay sa ₱8 kada kilo, Mababang ng 31 porsyento sa presyo ng nakaraang taon, kaya nagresulta ito sa tinatayang ₱54.5 bilyong price drop sa kinikita ng ating mga magsasaka sa unang anim na buwan ng 2025," pinunto ni Monte mayor sa pagtukoy na umabot sa ₱24,000 kada ektarya ang pagkalugi ng mga sakahan.
“Malaki po ‘yan,” aniya kaya mas makakabuting ibalik ang 35 porsyentong taripa sa imported na bigas.
Idinagdag pa ng dating kalihim ng agrikultura na dahil sa mababang taripa ba punatupad sa ilalim ng Executive Order No. 62 na nila saan ni Pangulong Marcos Jr. ng nakaraang taon, nalugi ang gobyerno ng ₱27 bilyon na maaari sanang ginamit sa midernisasyon ng industriya ng bigas.
“Maganda (sana) ang layunin ng Pangulo," aniya subalit sinabi pa ring huli ba zng suspensyon para matugunan ang mababang presyo ng palay.
