top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Dalawang senior citizens nasawi; 500 pamilya nawalan ng bahay sa sunog

2/27/26, 12:23 PM

Ni Samantha Faith Flores

Dalawang senior citizens ang nasawi sa sunog na tumupok sa bahay ng may 500 pamilya sa Intramuros, Manila nito Miyerkules (Peb.25).

Away ng magka-live in partner ang sanhi ng sunog, ayon sa mga testigo.

Hindi pa kinilala ng pulisya ang mga nasawi. Isa ay namatay matapos na atakihin sa puso habang ang isa naman ay nasunog umano.

Tinatayang umabot sa PhP1.5milyon ang halaga ng pinsala sa ari-arian sa nasabing sunog.

Isang alyas Burnok ang dinakip ng mga pulis matapos na tukuyin siya ng ilang testigo bilang nagpasimula ng apoy sa kanilang bahay.

Nagwala umano si Burnok nang madiskubre na ang kinakasama ay nakikipag-mabutihan sa isang lalaking kapitbahay. Kalalabas pa lamang niya ng bilangguan noon.

Tangan ang tangke ng kerosina, ibinuhos niya ang likido at sinindihan. Ginawa umano ni Burnok ang krimen sa loob ng tinitirhang kwarto sa ikaapat na palapag ng isang bahay sa kalye Cabildo.

Mabilis na kumalat ang sunog sa mga malalapit na bahay na pwang gawa lamang sa light materials.

Bagamat agad dumating ang mga bumbero, hindi nila agad naapula ang malalaking apoy dahil sa kakulangan ng tubig. Kinailangan pang dumayo ang mga ito sa malayong lugar upang kumuha ng tubig sapagkat iisa lamang ang fire hydrant na malapit sa lugar ng sunog.

Photo from Radyo Pilipino

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page