top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Bukas na ang GSIS raffle ng ₱1.5 milyon para sa mga miyembro at pensiyonado

12/16/24, 6:52 AM

By Tracy Cabrera

GSIS COMPLEX, Pasay City — Magpapa-raffle ng ₱1.5 milyon ang Government Service Insurance System (GSIS) bilang pasasalamat sa kanilang mga miyembro at pensiyonado at upang hikayatin silang gamitin ang GSIS Touch mobile app sa kanilang mga transaksyon.

Ayon kay GSIS president and general manager Jose Arnulfo 'Wick' Veloso, “kabuuang 300 na mananalo ang makakatanggap ng tig-₱5,000 sa GSIS Touch and Win Christmas Raffle na gaganapin bukas, Disyembre 17.

"Ito ang aming paraan ng pagpapasalamat sa aming mga miyembro at pensiyonado habang papalapit ang K apaskuhan at upang mahikayat silang gamitin ang GSIS Touch app na sa paggamit ay magkakaroon sila ng mas mabilis at maginhawang serbisyo at pagkakataon na manalo at makisaya kasama namin.”

Ipinaliwanag ni Veloso na ang mga aktibong miyembro at pensiyonado na magda-download at magrerehistro sa GSIS Touch app ay awtomatikong magkakaroon ng isang (1) raffle entry habang may karagdagang entries na maaaring makuha sa pamamagitan ng mga transaksyong gamit ang app tulad ng loan applications at pagsunod sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR).

Idinagdadvdin niya na para sa mga aktibong miyembro, ang bawat loan na maaprubahan sa pamamagitan ng GSIS Touch app—Multipurpose Loan (MPL) Flex, MPL Lite, o Emergency Loan—mula Enero 2024 hanggang sa kasalukuyan ay magbibigay ng karagdagang dalawang (2) raffle entries.

Nagpaalala lang ang president ng GSIS na hindi nga lang maaaring sumali ang mga miyembrong na may hindi pa nababayarang utang na higit sa anim na buwan.

Para naman sa mga pensiyonado, ang paggamit ng facial recognition feature ng GSIS Touch para sa APIR compliance ay magbibigay ng dalawang (2) entry. Gayundin, ang mga loan na naiproseso gamit ang GSIS Touch, tulad ng Enhanced Pension Loan at Pensioners Emergency Loan, ay magbibigay ng karagdagang dalawang entry kada loan.

"Ang mga mananalo sa raffle ay pipiliin gamit ang isang audited electronic system. Ang mga premyo ay direktang ipapadala sa kanilang GSIS eCards, at sila ay aabisuhan sa pamamagitan ng kanilang rehistradong mobile number o email address," hinayag pa ni Veloso.

Inilunsad noong 2020, ang GSIS Touch mobile app ay mayroon nang mahigit 1.5 milyong gumagamit at nag-aalok ng iba’t ibang tampok tulad ng pag-access sa membership at pension records, loan applications, claims tracking, at premium monitoring. Sinusuportahan din nito ang biometric login options para sa mas mataas na seguridad at kaginhawahan.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mechanics ng raffle at mga tampok ng app, maaaring bisitahin ang GSIS website na www.gsis.gov.ph, ang GSIS Facebook page na @gsis.ph, o tumawag sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers), o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk ‘N Text subscribers).

Si GSIS president and general manager Jose Arnulfo 'Wick' Veloso. (Larawan mula sa Sunstar Philippines)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page