Bagong bukas na PHP1.2-B tulay sa Isabela gumuho; graft probe inaasahan

2/28/25, 7:00 AM
Ni Samantha Faith Flores
ILAGAN, Isabela - Gumuho ang isang bahagi ng bagong bukas na PHP1.225 bilyon Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela at agad inasahan ng mga lokal na opisyal ang malalim na imbestigasyon na sesentro sa katiwalian.
Ipinihayag ng Department of Public Works and Highways-Cagayan Valley ang pagguho ng parte ng tulay bagamat wala pang isang buwan ng ito ay mai-ulat na kumpleto na.
Binuksan ang tulay na may habang 990 metro noon Pebrero 1, 2025, sampung taon matapos na ito ay simulang itayo noong Nobyembre 2014.
“The construction of the bridge started on November 2014 and was completed on February 1, 2025 with a total cost of PHP1,225,537,087.02,” ayon sa DPWH.
Kinilala ang contractor ng proyekto bilang ang R.D. Interior Jr. Construction.
“The total length of the bridge is 990m consisting of 12 Arch Bridge with a span of 60m and 9 spans of Pre-Stressed Concrete Girder (PSCG) Type IV and the total length of approaches is 664.10 In. m.” paliwanag ng DPWH-Cagayan Valley-Region 2 sa isang pahayag.
Hindi pa matukoy ng DPWH ang dahilan ng pagguto. Ipinakiusap na ng departmento sa Bureau of Design and Bureau of Construction ang pagsagawa ng “further evaluation and assessment.”
Ayon sa ahensya gumuho ang tulay bandang 8 pm noong Huwebes matapos na dumaan ang isang dump truck na may kargang boulders.
May 102 tonelada ang dump truck at kargamento nito.
Bukod sa trak napinsala rin ang apat na sasakyan dahil sa aksidente.
Pinag-aaralan na ngayon ng ilang mambabatas ang pagsimula ng congressional investigation sa nangyari.
