top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Babae arestado sa tangkang paglason sa boss

1/25/25, 6:10 AM

Isang empleyado ng tindahan ng baril sa General Santos City ang inaresto matapos diumano'y subukang lasunin ang kanyang amo.

Ayon sa ulat ng GMA News, nahuli umano ng manager ang babae na inilalagay sa ipinatimpla niyang inumin ang lason na pinaniniwalaang ginagamit sa pagpatay ng ipis.

May isang parking boy ang sinasabing nakakita sa empleyado na naglalagay ng kaduda-dudang pulbos at agad na ipinagbigay-alam ito sa manager.

Agad ini-report ng manager ang insidente sa pulisya, kaya't nagsimula ang imbestigasyon.

Sa ngayon ay kinukumpirma pa kung ano ang powder na ginamit sa diumano'y tangkang paglason.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong attempted murder.

Inaalam din ng mga awtoridad ang posibleng motibo ng suspek.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ay away sa trabaho. #

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page