top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ARROW Act nagbigay-daan sa mabilis na pagtupad ng Metro Manila Subway Project

2/16/26, 8:26 AM

Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Ngayong nareresolba na ang isyu ng right-of-way ROW) sa ilalim ng Accelerated and Reformed Right-of-Way o ARROW Act, naglinaw na ang pagkakaroon ng kauna-unagang underground o 'tube' mass transport system ng bansa na target na makumpleto sa taong 2033 at ang demo run opening sa 2028.

Hinayag ng pamahalaan na ang construction ay kasalukuyang napapabilis para masukyapan ang ipinapatupad na lga state-sanctioned infrastructure project. Sa groundbreaking ng Shaw Boulevard Station sa Pasig City, tinukoy na ang ROW acquisition para sa Metro Manila Subway Project (MMSP) ay umabot na 90.92 porsyento percent, kasama ang full completion (100%) sa Hunyo ngayong taon.

Hudyat ito na ang matagal nang usapin sa ROW, na nakabinbin sa mga lokal na korte, ay hindi na pumipigil sa pagpapatuloy ng proyekto. Ayon kay transportation secretary Giovanni 'Banong' Lopez, ang construction momentum nito ay 'unmistakable'.

“Tuluy-tuloy na ang konstruksyon ng mga estasyon ng subway sa Pasig. Malaking tulong ito sa mga komyuter lalo na sa mga nagtatrabaho sa Ortigas business district. Mas mapapadali at mabilis na ang kanilang biyahe,” inanunsyo ni Lopez sa media briefing.

“If things go as planned, the project could dramatically cut travel time across the capital region,” kanyang pinunto.

Sadyang dinisenyo ang long-awaited underground system upang mapaganda ang urban mobility sa Kalakhang Maynila at sa sandaling operational na ito, iuugnay nito ang Quezon City, Pasig City, Taguig City, Pasay City at Parañaque City.

Sumasakop sa Pasig segment sa ilalim ng Contract Package 104 ang 3.397 kilometro ng mga tunnel at underground station—partikular na sa Ortigas Avenue at Shaw Boulevard. Na-award ang kontrata sa Tokyu-Tobishima-Megawide Joint Venture (TTMJV), na partnership ng pinagsanib be expertise ng Japanese engineering technology at lokal na construction capacity.

Inilarawan ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang subway bilang isang “sustainable and long-term” solution sa chronic traffic congestion sa Kalaynilaan, lalo na ngayong Ito'y “moving even more quickly than originally scheduled.”

Tuloy na ang mas mabilis na construction ng MMSP, ayon sa DoTC. (Larawan mula sa ABS-CBN)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page