top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

AICS isasabatas na para maging institusyon

6/5/25, 8:16 AM

Ni Tracy Cabrera

BATASAN, Lungsod Quezon — Inaprubahan na at pinagtibay sa Kamara de Representante ang panukalang batas na gawing regular o institusyon ang kontrobersyal na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program na pinapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa botong 176 pabor, walang tumututol at wala ring nag-abstain para aprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill (HB) 11395 o ang Assistance to Individuals in Crisis Situation Act.

Naging kontrobersiyal ang nasabing programa dahil sinasabing isiningit lamang ito ng Kamara sa 2025 national budget, ba kung saan isa ito sa mga ayuda program na ipinapamagai ng mga ilang Politiko ng nakaupo sa panahon nitong nakaraang mid-term election campaign ngayong taon.

Inakusahan ng mga kritiko ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. administration na ginamit ang AICS at maging ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) upang ipambili ng boto ng mga botante.

Unang isinulong ni outgoing Marikina District II representative Stella Luz Quimbo ang nasabing panukala noong Hunyo 30, 2022 na naglalayong gawing regular na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang AICS upang mas marami umano itong matutulungang bulnerableng sektor ng lipunan.

Sa ilalim ng panukala, direktang matatanggap ng medical assistace na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang 150,000, burial assistance na mula P5,000 hanggang P25,000, education assistance na P1,000 hanggang P10,000 sa bawat mag-aaral sa elementarya, P1,500 sa bawat high school pupil at P3,000 sa bawat senior high school o college student.

Maaari ding lumapit sa DSWD ang mga nangangaiulangan ng food assistance na mula P1,000 hanggang P25,000, cash assistance na P1,000 hanggang P10,000 at iba pa uri ng financial help.

Upang hindi maabuso ang nasabing programa, naglagay ang Kongreso ng mabigat na parusa sa mga local government unit (LGU) na katuwang ng DSWD sa pagpapatupad ng nasabing programa.

“It shall be unlawful for the officials or employees of LGUs, their agents, representatives or relatives within the fourth civil degree of consanguinity or affinity to interfere, in any manner, in the implementation or delivery of AICS services or funds to qualified beneficiaries,” saad sa panukala kaya sinumang lalabag dito ay maaaring makulong ng hanggang 6 na taon.

Maaari ding makulong ng hanggang 10 taon ang sinumang opisyal ng LGU na makikipagsabuwatan sa mga benepisaryo upang magkaroon ng komisyon sa mga matatanggap na cash assistance sa ilalim ng AICS program.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page