26 na kawani ng Mandaue sinuspindi ng Ombudsman
.jpeg)
2/11/25, 3:54 AM
Ni Tracy Cabrera
MANDAUE CITY, Cebu — Sinuspindi ng Tanggapan ng Ombudsman ang 26 empleyado ng Mandaue City Hall makaraang mapagalamang sangkot sa demolisyon ng bakod at paglagay ng mga kandado sa gate ng isang ari-arian sa Barangay Paknaan sa Mandaue City na nililitis ang pagmamay-ari sa pagitan ng pamahalaang lungsod at dalawang pribadong claimant.
Ang siyam-na-buwang suspension order without pay para sa nasabing mga kawani ng lungsod ay inilabas ni Ombudsman Samuel Martires noong Disyembre 19 ng makaraang taon.
Kasamang sinuspindi rin ng Ombudsman ang officer-in-charge ng Housing and Urban Development Office ng Mandaue na si Johnbee Biton at sina assistant city assessor Julius Caesar Entise at ang hepe ng Janitorial Services Unit na si Teodorico Montojo II.
Nag-ugat ang desisyong pagsuspindi sa mga kawani ng city hall mula sa reklamong inihain nina Maria Priscila at Maritoni Melendres, na parehong naghahabol sa pagmamay-ari ng ari-arian sa Zone Ahos sa Bgy. Paknaan, na ginamit ng pamahalaang lungsod bilang relocation site para sa mga indibiduwal na naninirahan sa mga danger zone.
Sa kabila nito, pinagutos naman ng Ombudsman na ibasura ang reklamong administratibo laban sa mga respondent na kinasuhan din ng oppression, grave misconduct at paglabag sa Section 4(c) ng Republic Act 6713, o 'An Act Establishing the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees', dahil sa kakulangan ng sapat ng ebidensya.
"Makalipay gyud kaayo nga finally, nakab-ot namo ang hustisya. Dili lalim mabiktima ug grabeng pang-abuso gikan sa gobyerno sa Mandaue (I am very happy that justice was finally served. It is not easy to be a victim of abuses initiated by the Mandaue City government)," reaksyon ng Priscila sa Cebuano.
