top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

'Pergalan' sa San Miguel, Bulacan may basbas ng mayor?

5/7/25, 7:47 AM

Ni Tracy Cabrera

SAN MIGUEL, Bulacan — Ang isyu ng sugalan ay malaking usapin noon dahil isa itong bagay na nakakasira sa hibla ng ating lipunan at nakakasama sa pamumuhay ng ating mga kababayan.

Ito ang winika ng ilang residente ng batas ñ ng San Miguel sa lalawigan ng Bulacan, na inirereklamo ang operasyon ng iligal na pasugalan sa kanilang komunidad.

"Hindi nga ba dahil sa sugal ay napatalsik si Pangulong Joseph 'Erap' Estrada makaraang pakilusin ng mga malalaking negosyante ang masang Pilipino para magsagawa ng EDSA?" pagpuna ng negosyanteng si Jimmy Eustaquio.

Kasunod din umano nito ay naging target ng Philippine National Police (PNP) ang jueteng, o numbers game, para magpairal ng 'one strike' policy na kung saan ang sinumang hepe ng pulis ay inaalis sa puwesto kapag may sugalan sa kanyang hurisdiksyon.

"Nakakalungkot nga lang na hindi na ganito ang situwasyon. Para bang nalimot na ang problemang dulot ng sugal kaya hindi na nababalita ang anumang kampanya ng mga awtoridad laban dito," punto ni Eustaquio.
"Kaya ngayon, ang mga gambling lord ay namumuhunan sa ilang mga opisyal sa pamahalaan, tulad ng pagsuporta gamit ang kanilang salapi sa kandidatura ng mga aspiranteng nagbibigay proteksyon sa mga iligal na pasugalan," dagdag nito.

Hinayag ng negosyante na tahimik lang ang operasyon ng mga iligalista sa Bulacan dahil protektado ang mga ito ng ilang tiwaling opisyal sa pamahalaan at pulisya kaya tuluy-tuloy silang nakakapaglatag ng iba't ibang uri ng bawal na sugal.

"Gaya nga rito sa San Miguel, Bulacan na kung saan nakatago ang sugal sa operasyon ng isang peryahan, o mas kilala bilang pergalan, sa likuran lang ng Robinson Easy Mart sa Barangay Poblacion sa Zone 4. Maligaya ang operator nito dahil hindi sila ginagalaw ng mga awtoridad," tinukoy ni Eustaquio sabay hamon kay PNP chief, General Rommel Francisco Dayleg Marbil ibalik ang 'One Strike' policy laban sa mga iligal na pasugalan?

"Kaya mo ba, General... Kung kaya, sampolan mo nga rito sa San Miguel. Hindi yata alam ito ng hepe ng pulis dito at maging ang provincial director! May duda rin kami na may basbas ito sa mga tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan dahil parang kinokonsinti ito ni Mayor," anito.

Sa huli, nagpaalala ito sa pinaparunggitan:
"Ingat kayo . . . Ayaw ni Governor 'Daniel Fernando ang ganyan kaya baka kayo mabuslo kapag napansin kayo ng ating magiting na gobernador!"

Ang iligal na color game na uso sa mga 'pergalan'. (Larawan mula Amahchupermachulet)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page