₱19-M hinanda para sa allowance ng 10,000 PLM student

7/15/25, 6:06 AM
Ni Tracy Cabrera
INTRAMUROS, Maynila — Alam-na-alam ni Manila mayor Francisco 'Isko Moreno' ang kahalagahan ng edukasyon para sa kinabukasan ng mga kabataan kaya ng kahit baon umano sa utang ang pamahalaang lungsod ay agad na nagpahanda ng halagang ₱19 na milyon para sa alojasyon sa mga allowance ng may 9,926 na estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Kabahagi din sa nasabing alokasyon ang mga allowance ng daan-daang mga mag-aaral sa sekondarya ng President Corazon Aquino Senior High School (PCASHS) and Quirino Senior High SCHOOL (QSHS).
Ayon kay Mayor Isko, para sa nakalipas na mga buwan ng Abril hanggang Mayo, makakatanggap ang bawat PLM college student ng kabuuang halagang ₱2,000 (₱1,000 kada buwan) na aabot sa ₱19,852 milyon sa ilalim ng student support program ng lungsod.
Bukod dito umano, bibigyan naman ng tig-₱500 kada buwan ang 273 senior high school student mula sa PCASHS at 209 be estudyante mula sa QSHS.
Sa panayam sa alkalde, sinabi nitong prayoridad niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta upang matiyak na may patustos sila sa kanilang mga pangangailangan sa kanilang pag-aaral.
"Alam n'yong nanggaling ako sa mahirap na pamilya kaya sa murang edad pa lang ay nagsikap ako upang makapagtapos. Nagawa ko ito sa sariling pagpupursigi at dahil din sa suporta ng ibibigay sa akin. Kaya ngayon ay sinusukluan ko ito sa pamamagitan ng paghatid ng mahalagang tulong sa ating mga kabataan para makapag-aral silang maayos at mabuti," kanyang pinunto sa paggunita sa kanyang pinagmulan.
