₱1.76-B pina-release ni Mayor Isko para tumugon sa oil price hike

3/18/26, 9:54 AM
By Tracy Cabrera
MAYNILA — Bilang tugon sa isa pang round ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, pinag-utos ni Manila City mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso ang pag-release ng ₱1.76 bilyon stimulus package upang mapangalagaan ang ecmkonomiya ng lungsod.
Ayon sa alkalde, layunin ng stimulus package na mapanatili ang liquidity ng lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapalawig ng payout sa mga estudyante, manggagawa at residente ng mahigit 800 barangay ng Kamaynilaan.
Inanunsyo ito ni Domagoso sa flag-raising ceremony ngayong Lunes para linawin na ang funding aid ay ang pinagsamang ₱594.76 milyon mula sa General Fund ng lungsod at ₱1.165 bilyon mula sa Trust Fund.
“Sa ganitong panahon ng krisis, time is always of the essence. Time is very valuable. Actions, and timely actions, is a very important key element in addressing a crisis situation,” kanyang pinunto habang idiniin na inaasahang makikinabang dito ang aabot sa 330,000 indibiduwal o porsyento ng populasyon ng Maynila.
Idinagdag din ng alkalde para ipaliwanag na ang malaking bahagi ng stimulus package ay inilaan sa Social Amelioration Program, na itinakda ang ₱427.85 milyon para sa mga allowance ng 287,095 benepisaryo, kabilang ang mga senior citizen, solo parent at person-with-disability (PWD).
Bukod dito, iri-release din ng pamahalaang lungsod ang mahigit ₱51.13 milyon para sa educational assistance ng 17,043 estudyanteng naka-enroll sa mga pampublikong universudad ng Maynila.
Kabila pa sa benepisyo ang mga national government agency na mataragpuan sa lungsod na bibigyan ng ₱103.29 milyon para sa 16,425 benepisaryo.
Ipapamahagi din ang ₱1.09 bilyon para sa 896 na barangay bilang bahagi ng kanilang share sa real property tax revenue habang ang mga healthcare worker naman sa city-run na mga ospital ay tatanggap ng ₱71.32 milyon sa ilalim ng PhilHealth professional fee sharing.
Sa huli, binigyang-diin ni Domagoso ang halaga ng pag-releas ng pondo sa talang panahon dahil kritikal ito sa pagtugon sa epekto ng kasalukuyang krisis.
“If we can raise the buying capacity or purchasing power of our community, then the businesses will benefit from it, the jobs will be protected and the economy will continue to evolve,” kanyang pagtatapos.
