top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Scammer na nagpapanggap na paring Katoliko dinampot ng NBI

2/9/26, 12:22 PM

Ni Samantha Faith Sabado

Nasakote ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang isang lalaking nagpapanggap na isang pari upang makapanloko umano ng mga mananampalatayang Katoliko sa isang online scam.

Nahuli ang hindi pa pinangalanang suspek sa aktong nagwi-withddraw ng perang kanyang kinita sa panloloko.

Ilang NBI agents ang naghihintay na sa tindahan kung saan sana niya kukunin ang mga pondong inilipat sa kanya ng mga taong kanyang ini-scam. Ang withdrawal ay sa pamamagitan ng e-wallet.

Ayon sa NBI ang suspek ay inireklamo ng mga nabiktima matapos na malaman nnilang hindi siya totoong pari.

Nagpapanggap umano na isang paring Katoliko mula sa Bicol ang scammer. Gumagamit siya ng litrato ng tunay na pari sa on-line scam upang makuha ang tiwala ng mga donors.

Sinabi ni NBI spokesperson at head agent Palmer Mallari na isinasagawa nito ang panloloko sa pamamagitan ng paghingi ng donasyon mula sa mga mananampalataya para sa iba’t-ibang umanoy proyekto ng simbahan.

Gumagamit ang suspek ng pekeng Facebook account.

Nadiskubre mismo ng paring ginagamit ng suspek ang kanyang iskema. Agad nilinaw ng pari na hindi kanya ang nasabing FB account.

Nakumpiska sa suspek ang cash na kanyang ipinalit na kontribusyon ng isang donor mula sa pamamagitan ng e-wallet.

Ang cellphone na ginamit umano ng scammer para sa kanyang modus ay kinumpiska rin upang maisagawa ang forensic examination para dito.

Inihanda na ng NBI ang mga kasong estafa at identity theft laban sa suspek na kasalukuyang naka-detine sa NBI Naga office.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page