top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

SA PANGAMBA NG RETALIATORY ATTACK NG IRAN
Nilinaw ng DND na walang base militar ang US sa bansa

File photo ni DND spokesperson Arsenio Andolong mula sa Philippine News Agency.

3/3/26, 9:14 AM

By Tracy Cabrera

KAMPO AGUINALDO, Lungsod Quezon
Sa gitna ng pangamba na maaaring maging target ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa bansa, agad na nilinaw ng Department of National Defense (DND) at National Security Council (NSC) na hindi mga military facility ng Estados Unidos ang mga ito kaya walang dahilan para sa anumang retaliatory attack mula sa Iran.

Ayon kay DND spokesman Arsenio Andolong, nananatiling nakatuon ang kasalukuyang hostilidad sa Middle East kaya wala itong direktang banta sa Pilipinas o sa mga pasilidad ng mga Amerikano na pinatayo sa ilang bahagi ng bansa sa ilalim ng EDCA.

Binigyang-diin ni Andolong na ang Pilipinas ay hindi bahagi ng naturang teatro ng digmaan para sabihin ding ang mga pag-atake ng Iran ay nakatuon sa mga pasilidad ng Estados Unidos sa mga bansang may hangganang dagat o lupa rito.

"Ang mga EDCA sites aniya ay mga pasilidad ng Pilipinas at hindi pag-aari ng America," pinunto ni Andolong para idiin na sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), nananatiling nasa buong pagmamay-ari, pamamahala at kontrol ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kampo.

"Layunin lamang ng mga ito ang pagsasanay, Humanitarian Assistance and Disaster Response at pagpapalakas ng depensa ng bansa," dagdag ng opisyal.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page