top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Pinoy green card holder pinalaya nsa ICE detention; isa pa patuloy sa bartolina

6/17/25, 6:38 AM

Maligayang nagdiwang ng Father’s Day ang isang Filipino green card holder nang siya ay palayain sa pagkaka-detine sa Tacoma, Washington dahil sa paghihigpit ng Trump administration sa mga migrante.

Ngunit kulang pa rin ang kasiyahan sa mga Pilipinong patuloy na nagpro-protesta sa umanoy hindi makatarungang polisiya ni US President Donald Trump bagamat pinauwi na si Rodante Rivera, isang green card holder, sa kanyang pamilya.

Ayon sa Migrante-USA, patuloy na pino-protesta ng Filipino community sa Amerika ang pagbartolina ni Max Londonio, na nakasama ni Rivera sa Northwest Detention Center na isang Immigration and Custom Enforcement Facility sa Tacoma.

“While Tanggol Migrante celebrates the recent release of one Filipino father, Rodante Rivera, detainees such as Maximo “Kuya Max” Londonio, a Filipino permanent resident green card holder and loving husband and father of three, continue to be threatened with deportation and family separation,” ayon sa pahayag ng Tanggol Migrante Network.

Si Londonio ay ikinulong matapos ang umanong hindi makatarungang profiling.

“His isolation and transfer to a higher level is an act of retaliation and violation of his basic human rights due to Kuya Max constantly standing up for his and others’ rights,” diin ng Tanggol Migrante.

Si Londonio ay isang unionist na aktibong kasapi ng International Association of Machinists and Aerospace Workers.

Dinakip ng ICE sa magkahiwalay na insidente ang dalawang Filipino nang dumating sila sa Seattle-Tacoma International Airport matapos magbakasyon sa Pilipinas.

Mahigit na isang buwan nang nakakulong si Londonio habang si Rivera naman ay nakalabas na sa detention facility noong Hunyo 13 bago pa siya mag-isang buwan sa piitan.

“Rivera endured inhumane conditions inside the facility which is beyond capacity to the point where migrants are stacked upon each other,” ayon sa pahayag ng Tanggol Migrante Network.

Ipagpapatuloy ang paglilitis sa kaso ni Rivera sa katapusan ng Hunyo.

Photo from Inquirer

Comments

Deel je gedachtenPlaats de eerste opmerking.
bottom of page