top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Patung-patong na kaso isinampa laban kay BFP Director Jesus Hernandez

Photo from newsinfo.inquirer.net

3/9/26, 11:15 AM

QUEZON CITY, Metro Manila — Kasunod nang pagkakadiskubre ng malawak na katiwalian sa Bureau of Fire Protection (BFP), sinampahan na ng patung-patong na reklamo ang hepe ng ahensya na si General Jesus Fernandez kaugnay ng kanyang pamumunong nabahiran ng sistematikong korapsyon.

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), na siyang mother agency ng BFP, naging laganap ang mga iregularidad sa operasyon ng BFP dahil pinairal ng hepe nito ang 'tara' system na kung saan lahat umano ng transaksyon ng Bureau ay siningitan niya ng iba't ibang anomalya.

Sa panayam kay DILG secretary Juanito Victor 'Jonvic' Remulla Jr., "si Fernandez ang head of procurement entity, so for the longest time, lahat ng suppliers ng BFP ay kontrolado niya (kaya) walang playing playing field (at) hindi level ang playing field dahil pipili lang siya."

Pinuna ni Remulla ang patuloy na pag-report ni Fernandez sa kanyang tanghapan: "Pumapasok pa eh, ang kapal rin ng mukha eh, doon pa siya sa Fire Prevention Month nag-attend siya, ako hindi na ako nag-attend baka m"s"ntok ko eh, baka lang naman, baka lang, ang kapal lang ng mukha sinabihan ko pa siyang hayop ka, korap ka (pero) nagpapakita pa rin sa'kin," pinunto ng kalihim.

Kaugnay naman ng mga reklamong kakaharapin ng heneral, tinukoy ni DILG assistant secretary Jesi Howard Lanete na" Part 1 pa lang ito dahil mayroon pang maraming ilalabas na (mai)papakita ang systemic environment of corruption sa loob ng BFP," hinayag nito.

Sa huli sadya umanong naalibadbaran si Lanete sa pinapakita ni Fernandez na para bang inosente siya sa mga anomalyang nagaganap sa kanyang pinamumunuang ahensya ng pamahalaan.

"Kasama siya sa pag-withdraw ng pera galing sa bangko, kasama siya noong inempake iyong pera dito sa maleta, kasama siya noong Inabot itong maleta doon kay Fernandez, in fact, she was able to take a picture of the cash before it was submitted," pagtatapos ng kalihim.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page