top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Pagreretiro ng GSIS members - Part 1 of 3

12/16/23, 4:00 AM

By: Eduardo "Dodo" Rosario

Nakabimbin ngayon sa House of Representatives at Senado ang panukalang batas (bills) na naglalayong ibaba ang retirement age ng mga empleyado ng gobyerno mula sa kasalukuyang 60 na optional retirement age.

Sa House Bill No. (HBN) 8683, nais ng mga mamababatas sa Kamara na gawing 56-taon gulang ang magreretirong government workers na mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng optional retirement program mula sa kasaluyang 60-anyos para para raw mapakinabangan ng mga ito ang kanilang mga matatanggap na benepisyo. Ang regular government employees ay miyembro ng GSIS.

May 4 na iba ibang retirement programs ang GSIS sa ilalim ng batas na maaaring pagpilian ng mga mag-reretirong miyembro nito depende sa kanilang edad at tagal sa serbisyo sa gobyerno.

Ang mga ito ay ang Republic Act No. 8291 o ang GSIS Act of 1997; ang Presidential Decree (PD) 1146 o ang Pension or Cash Payment; Republic Act No. 1616 o ang “Take All” Benefit; at ang Republic Act No. 660 o ang Magic 87.

Ang batas naman na Republic Act No. 7699 o Portability Law ay nagbibigay sa miyembro ng karapatan na pagsamahin ang kanilang serbisyo mula sa pribadong sector at sa gobyerno para makamit nila ang 15-taon na service requirement upang maging kwalipikado sila sa benepisyo ng pension.

Ayon sa patakaran ng GSIS, maaaring hilingin ng magreretirong miyembro nito na baguhin ang kanyang retirement application para sa mga sumusunod: a) retirement date kapag ang kanyang edad ay mababa sa 65-taong gulang; b) retirement mode ( sa RAs 8291m 1616, at 660; at c) retirement benefit option sa ilalim ng RA 8291 (mula Option 1 patungong Option 2 o kabaligtaran.

Ibinibigay ng GSIS ang kahilingang ito kapag nakamit ng aplikante ang dalawang mga kundisyon o ang requirements na 1) ang aplikante ay hindi pa nababayaran ng kanyang retirement proceeds sa ano man mang paraan na gaya ng eCrediting sa bank account nito o negosasyon ng tseke sa pamamagitan ng bank deposit o encashment nito, at 2) nakapagsumite ang aplikante ng kanyang kahilingan sa GSIS branch office o departamento kung saan na-file ang application.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page