top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Pagdakip kina De la Rosa, Go ginarantiyahan ng Malacañang

Photo from legazpi.bomboradyo.comlegazpi.bomboradyo.com

2/16/26, 8:51 AM

Ni Annietha Fae Flores

Ginarantiyahan ng Marcos administration ang kooperasyon sa International Criminal Court sakaling hingin ito upang ipa-aresto sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher Lawrence “Bong” Go na humaharap sa mga kasong crimes against humanity of murder and attempted murder noong 2011 hanggang 2019.

Ito ang siniguro ng Malacañang nito Lunes (Peb. 16) na nagpaliwanag na obligado ang gobyerno upang makipagtulungan sakaling ipadaan sa International Criminal Police Organization (Interpol) ang mga warrant.

Ganito rin ang ginawang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang ipinahatid sa ICC sa The Hague sa Netherlands ang dinakip na si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso, 2025.

“It has been done before and we followed the law that exists in our country. Our government coordinated with Interpol, which is why former President Duterte was sent to The Hague,” paliwanag ni Presidential Communicaitons Officer Clair Castro sa isang press briefing.

Bukod kina Dela Rosa at Go, pinangalanan na rin ng ICC ang sumusunod bilang co-conspirator sa madugong drug war na isinagawa ni Duterte noong siya ang pangulo ng bansa: dating justice secrertary Vitaliano Aguirre II; dating Philippine National Police generals Camilo Cascolan, Oscar Albayalde at Vicente Danao; dating Philippine Drug Enforcement Agency chief Isidro Lapeña at Director Dante Gierran ng National Bureau of Investigation.

Matagal na rin ipinalabas ng ICC ang dokumento na tumukoy sa kanila bilang co-conspirators ni Duterte sa pagpatay ng libo-libong tao na pinaghihinalaang drug pusher o user.

Ito ang dahilan kung bakit lumutang ang akusasyon ang isyu ay ginagamit ng administrasyong Marcos upang tabunan ang isyu sa malawakang korapsyon sa pamamagitan ng ghost flood control projects.

Ang paratang ay inilabas ng Partido Demokratikong PIlipino ni Duterte.

Sinabi ng PDP na dibersyon lamang mula sa corruption scandal ang pagpapalabas ng ICC document.

“This is not a diversion. Because this case has beenf iled in the ICC for a long time. President Marcos Jr. was not even president yet when it was filed,” ayon kay Castro.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page