top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

OVP tinanggap ang direktiba ng Ombudsman sa mga kaso ni VP Sara

6/20/25, 9:42 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Kinumpirma ng Office of the Vice President ngayon Biyernes (Hunyo 20) nba tinanggap na ang direktiba ng Office of the Ombudsman na sumagot si Vice President Sara Duterte sa mga paratang ukol sa umanoy manomalyang paggamit niya ng confidential funds.

Dahil dito bibilang ng sampung araw si Duterte at siyam pang inirereklamo upang saguting sa pamamagitan ng counter affidavit ang mga akusasyon.

Kinasuhan ng House of Representatives si Duterte at 8 pang OVP offficials ng plunder, technical malversation, falsification, use of falsified documents, perjury, bribery, corruption of public officers, betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution, ayon sa mapagkakatiwalaang source.

Ang mga paratang ay katulad umano sa nilalaman ng Articles of Impeachment na naunang isinampa ng mga kongresista laban kay Duterte.

Kasalukuyang sinisimulan na ang Senate impeachment court ang paglilitis ng impeachment case.

Ang kaso sa Ombudsman ay nag-ugat sa rekomendasyon ng House Committee on Good Governance and Public Accountability na kasuhan si Duterte dahil sa maanomalyang paggamit ng PhP500 milyon confidential funds nang pamunuan niya ang OVP.



Mali rin umano ang paggastos ni Duterte ng confidential funds nang siya ay kalihim ng Department of Education mula 2022 hanggang 2024.



Ang pangalawang pangulo ay wala sa bansa ng ipatanggap ng Ombudsman ang direktiba. Siya ay nasa Australia para sa isang pesonal trip.



Bukod kay Duterte, ang ilan pa sa mga pinasasagot sa kaso ay sina:



Office of the Vice President

- Atty. Zuleika Lopez

- Lemuel Ortonio

- Asst. Chief of Staff Lt. Col. Dennis Nolasco

- Col. Raymund Dante Lachia


Department of Education

- Edward Fajarda

- Gina Acosta

- Asst. Secretary Sunshine Charry Fajarda

-Retired Maj. Gen. Nolasco Menpin

-Annalyn Sevilla

Photo from philstarlife.com

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page