top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Opisyal ng Kamara pinatay habang nagdiriwang ng kaarawan ng anak sa QC

6/16/25, 10:31 AM

Ni Samantha Faith Flores

Patay ang isang legislative committee official ng Mababang Kapulungan matapos na pagbabarilin habang nagdidiwang na kaaarawan ng kanyang anak sa kanilang tahanan sa Quezon City noong Linggo (June 25).

Agad nanawagan ng masusing imbestigasyon si Speaker Martin Romualdez sa walang-awang pagpatay kay Director Mauricio “Morie” Pulhin, 55-anyos na hepe ng technical staff ng Committee on Ways and Means ng Kamara.

Kumilos rin agad ang pulisya at nagsabi nitong Lunes na mayroon nang person in interest sa pamamaril.

Nagdiriwang ang pamilya Pulhin para sa ika-7 kaarawan ng kanyang anak na babae sa isang gated subdivision sa Barangay Commonwealth nang pumasok ang dalawang hindi kilalang armadong lalaki na pinaputukan ang biktima ng malapitan.

Isang security guard ng subdivision ang binaril din bago tuluyang tumakas ang mga gunmen sakay ng isang motorsiklo.

Dead on arrival sa FEU-NRMF si Pulhin.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulong business-related ang pagpatay sa kanya. Sinabing planado at well-executed ang pamamaril.

Nagpupuyos sa galit si Romualdez na nanawagan ng agarang paglutas sa pagpatay.

“While it is too early to determine the motive behind this heinous crime, we call on the Philippine national Police, the National Bureau of Investigation and all relevant agencies to pursue all angles -including but not limited to his professional affiliations - so that the truth may come out and justice may be served,” ayon sa pahayag ng lider ng Kamara.

Isa sa mga anggulong sinusubaybayan ay ang negosyo ng Pulhin family.

Nakapasok umano ang mga suspek sa pamamagitan ng pag-surrender ng nakaw na identification card sa subdiision guard.

Photo from tribune.net.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page