LAW AND ORDER
Mga civil registry officials nabuking sa fake birth records racket kinasuhan ng NBI
.jpg)
Photo from politiko.com.ph
3/23/26, 9:30 AM
Ni Joyce Sabado
Nagsampa ng mga kasong kriminal ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa ilang opisyal ng lokal na civil registry offices at pribadong indibidwal na nahuling gumagawa ng mga pekeng birth certificate para sa mga dayuhan.
Sa isang statement, sinabi ng NBI Central Mindanao Re na gional Office (CEMRO) na nabuko ng mga ahente nilaat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ilegal na operasyon na kinasasangkutan ng mga Local Registry Offices sa Pikit at Aleosan, North Cotabato.
Ayon sa mga NBI probers, ang raket ay kinasasangkutan ng ilang opisyal, kasama ang isang retiradong civil registrar. Nagkutsaba umano ang mga ito sa pag-isyu ng mga late birth registrations para sa mga dayuhan gamit ang mga palsipikadong dokumento.
Karamihan sa mga kliyente ng grupo ay mga Chinese nationals na gumagamit ng mga dokumentong gawa-gawa lamang para suportahan ang kani-kanilang birth certificate.
Marami sa mga Intsik ang hinihinalang gumagamit ng mga palsipikadong birth certificate para sa kanilang mga aktibidad na kriminal sa PIlipinas.
Napag-alaman ng mga NBI agents na gumagamit ng mga “ready-made” na dokumento ang mga civil registry officials upang kumita ng malaking pera mula sa mga dayuhan.
Matatandaan na inilahad kailan lamang ng PSA na may 50,000 birth records sa bansa ay palsipikado.
Ang mga bayan ng Pikit at Aleosan ay natukoy na pinanggalingan ng mga pekeng birth records at certificates.
Sinabi ni NBi Director Melvin A. Matibagna sinampahan na ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 3753, Republic Act No. 3019; at Republic Act 3713, kasama ang mga kasong falsificaiton of public documents at perjury ang mga nahuling sangkot sa raket.
