top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

LTFRB naglabas ng 23 pang 'show cause order' laban sa mga PUV operator

2/16/26, 8:15 AM

Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Alinsunod sa kampanya nitong isaayos ang sektor ng pampublikong transportasyon, muling nag-isyu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang 23 show cause order (SCO) sa mga public transport operator at gayundin sa lga public utility vehicle (PUV) terminal sa Kalakhang Maynila sanhi ng iba't iba nilang mga violation.

Ayon sa LTFRB, ang pangunahing dahilan ng paglabas ng show cause order ay dahil sa kabiguang ng mga operator at terminal na mag-comply o sumunod sa mga itinakdang requirement sa pagkakaroon ng sapat na mga terminal bukod sa mga roadworthy at ligtas na mga sasakyang pampasahero.

Inanunsyo ng LTFRB National Capital Region na nakapag-isyu na ang ahensya ng aabot sa 50 SCO sa mga PUV at terminal operator nitong nakaraang linggo.

Bahagi ito ng kautusan ng pamunuan ng LTFRB na “tiyakin ang compliance sa lga franchise terms and conditions na nagri-require sa bawat PUV operator na magkaroon ng supisyente at existing na garage at gayun din ang mga compliant na terminal at roadworthy unit na bibiyahe sa kani-kanilang rota.”
Batay sa inilabas na mga SCO, nakatakdang magsumite ang mga PUV at terminal operator ng kanilang kasagutan o verified response sa tanggapan ng LTFRB-NCR sa Marso 17 ng kasalukuyang taon.

Nakasaad din sa kautusan na kailangang sagutin sa nasabing verified answer ang dahilan sa kabiguan ng operator na sumunod sa mga requirement na itinakda ng LTFRB kaugnay ng safe, comfortable at adequate na mga terminal para sa mga pasahero for passengers at roadworthy na mga PUV.

Ayon pa sa ahensya, hindi ito magpapaunlak sa alin mang motion to dismiss sa verified response at anumang ground for dismissal ay Kinakailangang kasama na sa response.

Nagbabala ang LTFRB na ang kabiguang maghain ng kasagutan ng sinumang operator at pagdalo sa isasagawang hearing ay ikokonsiderang waiver ng kanilang karapatan na mapakinggan at ang kasong kinakaharap ay dedesisyunan batay sa ebidensyang nakalap.

Noong Lunes at Martes ng nakaraang linggo, nag-usyu ang LTFRB-NCR ng 10 SCO sa mga operator ng sinasabing mga 'dilapidated' jeepney sa Quezon City kasunod ng mga surpresa't random inspection ng mga terminal at PUV.

Pinaalalahanan ni LTFRB-NCR regional director Zona Russet Tamayo ang mga operator na sundin ang mga inilabas na polisiya ng kanilang ahensya at tiyakin din ang 'roadworthiness' ng kanilang mga sasakyang pampasahero.

“LTFRB-NCR will conduct its random operations in different parts of Metro Manila in the succeeding days, hence, operators are forewarned to strictly comply with LTFRB policy issuances and franchise terms and conditions,” hinayag ni Tamayo.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page