top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Info drive kontra yosi smuggling paiigtingin ng PNP

2/23/26, 7:53 AM

Ni Tracy Cabrera

KAMPO CRAME, Lungsod Quezon —
Sa kabila ng sunud-sunod na pagkakavuli ng milyon-milyong smuggled na SD sigarilyo, paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang information drive laban sa pagbebenta ng smuggled at illicitly manufactured cigarettes sa mga sari-sari store sa buong bansa.

Ito ang hinayag ng pamunuan ng PNP makaraan ang banta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na paglulunsad ng mas maigting na kampanya laban sa economic saboteurs kasabay ng paalala na walang piyansa ang mga makakasuhan ng economic sabotage.

Una rito, nagbabala na si interior and local government secretary Juanito Victor 'Jonvic' Remulla Jr. na magsasagawa ang mga awtoridad ng mga operasyon sa mga pampublikong pamilihan at maging sa maliliit na retailer bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na sigarilyo.

Binigyan ng kalihim ng isang linggo lang na palugit ang mga nagbebenta upang itigil ang distribusyon at maubos ang kanilang paninda bago simulan ang mas mahigpit na pagtugis sa mga nagebenta ng smuggled na lga sugarilyo.

Kaugnay nito, inatasan ni PNP chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. ang lahat ng hepe ng pulisya na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng lokal ba pamahalaan at barangay upang palakasin ang kampanya sa pagpapalaganap ng impormasyon, kasunod ng mga ulat na laganap ang bentahan ng smuggled cigarettes sa maliliit na tindahan.

Nilinaw ni Nartatez na kailangan umanong maunawaan ng mga may-ari ng mga sari-sari store o maliliit na tindahan na ginagamit sila bahagi sila bilang supply network ng mga sindikato kapag pumayag silang magbenta ng naturang produkto.

Kasama sa information drive ang pagtukoy sa mga brand ng smuggled at iligal na sigarilyo upang maging gabay sa mga tindero at mamimili.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page