top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Immigration lookout bulletin ipinalabas para sa 60 katao dawit sa missing sabungero case

8/29/25, 12:58 PM

Ni Samantha Faith Flores

MANILA – Mahigit 60 katao na sangkot sa kaso ng mga nawawalang “sabungero” ang isinailalim na sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO), ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes.

Ang ILBO ay kautusan ng Department of Justice (DOJ) na nag-uutos sa mga immigration officer na mahigpit na bantayan ang paglalakbay ng mga tinukoy na indibidwal.

Sa isang press conference, sinabi ni Remulla na sakop ng ILBO ang lahat ng pinangalanan ng whistleblower na si Julie Patidongan.

“May isang umalis ng bansa, kapatid siya ni Atong Ang,” ayon kay Remulla.

Nauna nang itinuro ni Patidongan si Ang at tatlo pang iba bilang umano’y utak sa pagkawala ng mga sabungero—na mariin namang itinanggi ni Ang.

Samantala, sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na matapos ang pagsusuri sa mga ebidensya, sisimulan na ang preliminary investigation. Dito bibigyan ng kopya ng kaso ang mga nasasangkot at pagkakalooban sila ng pagkakataon na maipaliwanag ang kanilang panig.

“By next week, we can issue the subpoenas already,” ani Fadullon.

Ipinaliwanag niya na sa preliminary investigation, maaaring humiling ang piskalya sa korte ng Preliminary Hold Departure Order.

“We will study if there is any danger that any of them will abscond,” dagdag ni Fadullon.

Sa kabilang banda, sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na magpapatuloy ang mga operasyon sa Taal Lake kung saan umano itinapon ang mga labi ng mga nawawalang lalaki. Gayunman, may mga pahinga para sa mga diver na nagsasagawa ng recovery dahil ilan sa kanila ay nagkaroon ng karamdaman dulot ng kondisyon ng tubig sa lawa.

“They also undergo cycles for recovery in decompression machines,” aniya.

Ayon kay Clavano, mula Hulyo 10 ay nakarekober na ang mga otoridad ng 401 skeletal fragments mula sa 17 lugar sa lawa.

“PNP Forensics noted that from those recovered, 355 are human bones and 46 non-human fragments,” dagdag pa niya.

Photo from manilastandard.net

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page