top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Fil-am guilty sa pagpatay sa dating ka-relasyon sa harap ng mga anak

Photo from meaww.com

2/8/26, 11:30 PM

DALY CITY, California -Halos tatlong taon matapos patayin ang Filipino-American na si Frances Lucero, hinatulang nagkasala ng first degree murder ang kanyang asawa na bumaril sa biktima sa harap ng kanilang dalawang anak.

Umabot lamang ng apat na oras ang naging deliberasyon ng 12-man jury upang ibaba ang guilty verdict laban kay Romier Narag, 30 na nagtangkang barilin ang sarili matapos na patayin si Lucero.

Inaasahan habambuhay na kulong ang itatakdang sentensya kay Narag sa kasong first degree murder with an enhancement for using a firearm.

Ayon sa jury nagkasala rin si Narag ng misdemeanor child abuse, felony child abuse na pinalala ng paggamit niya ng baril.

Pinagbabaril ni Narag si Lucero sa loob ng tahanan ng dating karelasyon sa Daly City noong Marso 6, 2023 sila maghapunan kasama ang kanilang dalawang anak.

Matagal na rin hiwalay ang dalawa.

Ayon kay Deputy District Attorney Lucas King ibinaba ang hatol kay Narag noong Pebrero 4.

Bagamat ikinatuwa ng pamilya ni Lucero ang naging desisyon ng korte, hindi umano nito napawi ang sakit at lungkot na naramdaman sa pagkawala ng kanyang panganay na anak, ayon kay Liezel Lucero.

Natapos man ang yugto ng kaso, hindi naman ito sapat upang magdiwang ang kanyang pamilya, ayon sa patuloy na nagdadalamhating ina.

Ipinahayag niya na parang dalawang beses siyang na-trauma sa pagkamatay ng anak at habang nililitis ang kaso sapagkat tumambad sa kanya ang mga video at larawan ng pinaslang niyang anak.

Napagalaman na matapos maghapunan ang dating mag-asawa at mga anak nila, sumunod si Narag sa tahanan ni Frances. Pinaputukan niya ang biktima ngunit hindi tinamaan.

Nagtangkang tumakas si Frances ngunit pinagbabaril ito ng salarin. Limang beses na tinamaan ng bala ang biktima.

Matapos pagpatay sa babae nagsisigaw si Narag at sinisi ang kanyang dating ka-relasyon sa nangyari.

Nagtangka umano itong barilin din ang sarili ngunit napigilan siya ng kapatid na lalaki na dumating sa lugar ng krimen.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page