

LAW AND ORDER
DOJ wagi sa round 1 laban kay ex-Rep. Teves

6/28/24, 7:24 AM
Matagal pa matatapos ang boksing!
Ito ang naging patutsada ng kampo ni dating Rep. Arnolfo Teves Jr. sa tila pagbubunyi ng Department of Justice matapos na katigan ng Court of Appeals ng Timor Leste ang petisyon ng pamahalaan para sa extradition ni Teves.
Sa pahayag sa news media, pilit na sinupalpal ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, ang DOJ team na nakapagkumbinsi sa CA ng Timor Leste na magpalabas ng extradition order upang pabalikin na sa Pilipinas si Teves upang harapin nito ng mga murder cases na tinutukoy siya bilang mastermind.
Ayon kay Asst. Secretary Jose Dominic Clavano, tagapagsalita ng DOJ, nanalo na sa petition for extradition ang pamahalaan at dapat nang maasahan ang pagdakip kay Teves upang madala na siya sa Pilipinas matapos ang matagal na panahong pagtatago sa ibang bansa.
“Not so fast, Mr. Clavano. You have not won. Not by a long shot. For one, the judgment is still appealable, a recourse that we have every intention of taking. Then we still have the option of political asylum,” sagot ni Topacio kay Clavano.
"And even if you bring Mr. Teves back, you will still have to prove him guilty in the face of recantations by all witnesses previously against him who were tortured and intimidated into testifying falsely against him,” diin ni Topacio.
Dagdag pa ng abogado: You still have to defend your planted evidence, in light of the recent rulings of the courts revealing their bogus nature and the admission to bail of Mr. Teves' co-accused on the ground of weak evidence.”
Ngunit kumpiyansa ang DOJ na higit pa sa sapat ang ebidensya kay Teves na naakusahan sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam pang katao nang salakayin ang lugar ng gobernador ng mga armadong lalaki sa bayan ng Pamplona noong Marso 4, 2023.
Bukod sa sampung kasong murder, nahaharap din si Teves sa 12 kaso ng frustrated murder, apat na attempted murder matapos ang Pamplona raid.
eves is facing 10 counts of murder, 12 counts of frustrated murder and four counts of attempted murder before the Manila Regional Trial Court Branch 51 in relation to the March 4, 2023 shootings in Pamplona, Negros Oriental.
“We look forward to the arrival of Mr. Teves so that he may finally face the charges against him in our local courts,” sinabi ng DOJ matapos makumpirma ang naging desisyon ng CA ng Timor Leste.
Ayon sa isang source sa DOJ, si Teves ay nasa kustodiya na ng pulis ng Timor Leste ay agad-agad na ipadadala sa PIlipinas kapag naging pinal na ang desisyon ng korte.